Para sa mga taong walang-wala, sa mga taong walang kwenta, sa mga taong wala lang, sa mga taong na wala na,sa mga taong walang takot, walang magawa, walang utang na loob,walaaaaa! Sa madaling salita "Walang Pamagat" walang posisyon, walang trabaho, walang pera, walang K! hehehe wala lahat!Meron k ba? Aq wala hahahaha!

Friday, December 31, 2010

Wala 'Tong Kwenta!

"Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."

-BOB ONG
  ABNKKBSNPLAKo?!
  Mga Kuwentong Chalk ni Bob Ong

Nakaka inspire basahin ang mga libro ni Bob Ong sa mga gantong panahon, Nag-aagaw ang pagtatapos ng isang walang kwenta ngunit may kabuluhang taon sa magsisimulang taon na hindi mo alam kung paano mo sisimulan. Likas na sa'tin na kapag NEW YEAR ay mababadtrip kapag hindi makapagregister sa unlimited ng smart at globe. Pano ba naman hindi mo mababati ang lahat ng nasa contacts mo ng Happy New Year and chenelen forte. Hindi ka makakahingi ng sorry sa mga taong nagawan mo ng kasalanan. Sa katotohanan, kagagawa ko lang yan.. kani-kani lang at ang kapalit...

144 msgs recved sa Smart ko...
Full memory ang phone ko sa Globe...
At ang FB ko ay puno ng tags, wall post at comments.
sabayan mo pa ng mga kamag anak mong nasa ibang bansa na ka-chat mo.

Naisip ko? Bakit ganon? Kapag ordinaryong araw naman, hindi ganito... Kung kelan lang ba may mahalagang okasyon saka naaalala ng mga tao ang mga malalayong kaibigan at kamag anak? Kung may okasyon lang ba kailangang magbigay ng effort na magsorry sa mga nagawang kasalanan? Anong meron ang okasyon na wala ang ordinaryong araw? Hindi ba natin naiisip na minsan mas kailangan nating silang maalala sa ordinaryong araw? Pare-pareho lang naman nating sineselebrate ang mga okasyon, ibig sabihin lahat tayo masayang nagdiriwang.

At eto pa? Bakit ko ba pinoproblema yan! Dapat 'di ba nagdiriwang din ako ngayon.
Sabi ko sa'yo eh, Wala 'Tong Kwenta!

O, sige na... MALIGAYANG BAGONG TAON NA LANG.

___________

Curious, why is it "Walang Pamagat?" Click this.

If you can't leave a comment here, Just click the link below. You can also join the group, by simply hitting the JOIN GROUP tab at the left side of the homepage, below the members box.