"Bad Day"
"Ok ka lang?"
Ayan ang unang tanong ko sa kanya ng una ko siyang makita.Nakatulala siya sa akin. He was mesmerized. I think he is weird. Maraming nakasabit na mga silver jewelries sa katawan niya, meron sa leeg, sa bewang,at sa braso. May hikaw sa kaliwang tenga, pati sa dila. Rakista. Ang porma niya ay hindi naman pangit sa paningin. Astig nga kung iisipin.
"Are you new here?" Tanong niya habang malagkit ang mga tingin sa akin.
Sumagot ako na parang naiilang. "Yup! I'm looking for.. "
"Me?" sabi niya, sabay ngiti at tinignan niya ko sa aking mga mata.
"Excuse me? If you think your cute? Then your NOT! So if you don't mind, can you please get out of my way!" sabi ko sabay talikod sa kanya. At hindi pa ako nakakalayo ay nagsalita siya,
"You know what, you are beautiful, lalo na sa malapitan. Pero sana h'wag ka na lang tatalikod kasi, turn off, nagtae yung pula mong ballpen napunta lahat sa pants mo." Sabi niya habang nakaturo ang kamay sa aking pants at natawa.
Hindi ko na nakuhang humarap pa. Dinalangin ko na sana bagsakan siya ng kisame at mapitpit sa sahig ng pino, ng pinong-pino! Hinanap ko ang pinaka malapit na rest room at nang makita ko ang sign, pumasok agad ako. Mabuti na lang at walang tao, pumasok ako sa cubicle. Tinignan ko ang suot kong pantalon. I really felt the adrenalin goes to my vein, gusto ko siyang balikan at kung hindi pa siya napitpit ng kisame ay dudurugin ko naman siya nang buong lakas ko. Wala namang kahit anong marka sa pants ko. Pinagtripan niya ko! Agad akong lumabas ng rest room.
Ang adrenalin rush na naramdaman ko ay napalitan ng ibang pakiramdam. Alam kong namula akong bigla at parang gusto kong kainin ako ng mundo sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Shit! bakit may babae dito!" Sigaw ng isang lalaking gulat na gulat na hindi alam kung ano ang gagawin habang nakatayo sa urinal. Ang nasa isip ko bakit siya nandito at bakit may urinal. May mga lalaki na din sa loob at lahat sila ay nakatingin sa akin. Wala na akong iba pang nagawa.
"Sorry, akala ko restroom ng girls, sorry.. " hiyang-hiya ako at dahang-dahang umalis palabas.
Naiwan ang mga lalaki sa loob na nagtatawanan. Ang unang araw ko sa University ay ang pinakamalas na araw sa buong buhay ko. Pinakamalas dahil sa ugok na 'yun.
Hinanap ko ang kwarto ng unang klase ko. Room - 401, Ms. Mendoza. Group Dynamics. Nang makita ko ang room, sinilip ko muna kung may tao, sobrang tahimik kasi. Nakita ko ang isang matandang babae na nakatayo sa unahan ng klase, at nakahalukipkip ang mga braso. Isa lang ang pumasok sa isipan ko,"Terror Professor" siya. 09:00 AM ang klase namin, late ako ng 5 mins. Hindi ko alam kung paano ako papasok.
"Is everybody in?" tanong niya habang naglalakad sa gitna ng klase.
Walang sumagot.
Huminto siya sa paglalakad at sumigaw, "I asked, is everybody in!!!!???"
Wala pa ding sumagot.
"Okay, we are complete, That's what I like. All my students should always be on time. I hate late students." mahinahon niyang sabi at umupo sa kanyang mesa sa tagiliran ng room at sinimulang buksan ang makapal na libro na dala nito.
Patay na. Malas talaga. 1st day of class, bad record agad. Kumatok ako ng mahinahon sa pinto, patay malisya na kunwari ay walang narinig at pumasok.
"Goood Morning, Ma'am, are you Ms. Sussana Mendoza?" tanong ko. Limang segundo ng katahimikan ang dumaan. Nagsalubong ang tingin ng aming mga mata.Binaba niya pa ang suot na salamin sa kanyang ilong na parang kinikilatis ako. Tumayo siya at lumapit sa akin.
"What room are you in right now? tanong niya.
"Room - 401." Sagot ko. Ramdam na ramdam ko ang apat na sulok ng kwartong iyon na animoy isang dangkal lang ang layo sa akin. Ang mga mata ng tao sa klase ay nakatingin lahat sa akin.
"... and what is written on your shecdule? What class is on this room right now? Who is the professor and WHAT IS THE TIME?" patuloy niyang tanong. Kakaiba ang tono ng kanyang boses, lalo na sa tanong na kung anong oras. Ang dila ko ay parang umurong, at ang lalamunan ko ay parang natuyo.
Sumagot ako, "Group Dynamics. Ms.Sussanna Mendoza at 9:00 AM, Im sorry that I'm la...."
Hindi niya na ako hinayaang magpaliwanag. "Okay, It's good to know that you can read but I hope you can comprehend with it. Go ahead and look for your seat!"
Akala ko ay kakainin niya ko ng buhay, mali talaga ang first impression. Akala ko ay ipapahiya niya ko sa klase. Agad-agad akong humanap ng mauupuan. Habang naglalakad ako, siya ay biglang nagsalita,
"I hate late students! Late students are not allowed in my class! If you miss one of my class you can take a rest for the whole semester and let's just see each other in my summer classs." sabi niya.
Para akong binato ng hallow blocks, mas mabuti pang sinabi niya na lang sa 'kin ng harapan kesa paringgan pa ko. Binabawi ko na, first impression really last.
Malas!
Malas!
Malas!
Mlalas! Talaga!
Buti na lang at nasa dulo ang bakanteng upuan. Kahit papaano ay sinusuwerte pa din ako. Agad akong umupo sa upuan.
"Ms. Sussanna Mendoza, Mr. Samonte, is requesting you to his office. Ms. Sussanna Mendoza, Mr. Samonte, is requesting you to his office."
Sabi ng announcer ng school faculty. Nagpaalam si Ms. Mendoza, at umalis ng kwarto.
Abot tenga ang ngiti ko.
"Hay, kahit papaano talaga ay sinusuwerte pa din ako. Buti na lang at tinawag siya ng Dean. Kahit papano ay mawawala sa isip niya ang pagka-late ko." sabi ko sa aking sarili.
"Talaga lang?" sabat ng lalaki sa tabi ko at ngumiti na parang nakakainsulto.
Nakita ko na naman siya. Ang ugok na nagsimula ng kamalasan ng araw ko. Naramdaman ko ang mga dugo ko na parang dumadaloy patungo sa ulo ko. Gusto ko siyang hampasin, tadyakan, kurutin at sabunutan. Hindi ko lang alam kung saan ako magsisimula.
"Asa ka pa na makakalimutan ni Virgin Mary 'yun! Matanda na nga siya pero hindi siya makakalimutin." sabi niya habang nangiti at abalang-abala sa pagkakalikot ng mga alahas sa braso.
"Huh? Sinong Virgin Mary?" tanong ko.
Bigla siyang tumingin sa akin at nilapit ang mukha, akala ko ay hahalikan niya ako, buti na lang ay napaurong ako kahit papaano, 'yun pala ay may ibubulong lang siya, "Si Ms. Mendoza, matandang dalaga kaya 'yan. Usap-usapan dito sa skul na simula ng iwanan 'yan ng boyfriend niya nung 1960's, e hindi na 'yan nagkaron ng iba. Hanggang ngayon ata ay moving on pa rin 'yan. Kaw ba naman pagpalit ng boyfriend mo sa bakla, makapag move on ka kaya?" sabi niya at tumawa habang bumabalik sa kanyang dating pwesto.
Ngumiti ako at hinawakan ko ang braso niya ng mahigpit. Tumingin siya sa akin na gulat na gulat.
"Makapag-move on ka kaya kapag sinapak kita?" sabi ko. Nakatitig siya sa akin. Tinitigan ko siya ng matalim. Ang ganda ng mga mata niya, ang pilik mata, ang labi, ang ilong. May hitsura pala siya. Inalis niya ang kamay ko sa kanyang braso, nilapag sa harap ng mesa ko. Ngumiti siya at sinabing,
"Sorry, kanina. Sophia. Hindi ko sinasadya na asarin ka. Tinarayan mo kasi ako agad. By the way, I'm Jhed." at inabot niya ang kanyang kamay sa akin.
Kung paano niya nalaman ang pangalan ko, iyon ang hindi ko alam.