Para sa mga taong walang-wala, sa mga taong walang kwenta, sa mga taong wala lang, sa mga taong na wala na,sa mga taong walang takot, walang magawa, walang utang na loob,walaaaaa! Sa madaling salita "Walang Pamagat" walang posisyon, walang trabaho, walang pera, walang K! hehehe wala lahat!Meron k ba? Aq wala hahahaha!

Friday, February 4, 2011

Chapter 1

Here are the comments from "Boundary." So if you haven't read it yet, click this*. It will be much better, if you will read it first before this. All the answers to the unusual scenes on Boundary are all revealed here.
I HOPE YOU WILL LIKE THE SEQUEL:

"BREAKING BOUNDARIES"


"Tumulo po ang luha ko sa istoryang ito... sana po ay basahin nyo din po...
2 thumbs up po!!!!!"

"i love it"

"britz update mo aq kng my su2nod pa huh?? i rily lyk da story..;)"

"un oh.. bitin ako waha! at na dc ako kanina ha... natawa ako :D"

"as usual, yet it was also the beautiful story! I configured :))"

"kylan release ng chapter 2?? "

"kelan yung kasunod neto britz?.. andun pa din ba si mam mendoza?"
"i like the twist of your story..hahahaha im sure my mk relate jan..:)"
Anonymoous, January 27, 2011 9:40 PM


Lucky Day
(From Boundary: Bad Day)


"Ok ka lang?" Ayan ang unang tanong niya sa akin ng una ko siyang makita. Nakatulala lang ako sa kanya. I was mesmerized on her beauty. Simple lang siya. At 'yon ang tipo ko sa isang babae.

"Are you new here?" Tanong ko sa kanya. Tinanong ko siya kahit alam kong bago rin lang ako sa University.

Sumagot siya, "Yap! I'm looking for.. "

Hindi ko na inantay pa ang mga susunod niyang sasabihin. This is gonna be my lucky day. 

"Me?"  sabi ko, sabay ngiti at tinignan ko siya sa kanyang mga mata. Akala ko kakagat siya sa pagpa-pacute ko pero hindi pala.

"Excuse me? If you think your cute? Then your NOT!  So if you don't mind, can you please get out of my way!"  mataray na sagot niya at umalis na siya. 

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ba niya alam na campus crush ako noong highschool. Aba! Marami atang humahabol sa aking mga babae. Ayos 'to! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at napagtripan ko siya.

"You know what, you are beautiful, lalo na sa malapitan. Pero sana h'wag ka na lang tatalikod kasi, turn off, nagtae yung pula mong ballpen napunta lahat sa pants mo." Sabi ko sabay tawa ng malakas! Pero sa totoo, wala naman talaga. Trip ko lang mang-asar!

Akala ko lilingon pa siya o babalik pero hindi na niya ginawa. Mali ata ang banat ko. Bawas pogi points. Makita ko pa kaya siya, hindi naman ganon kalaki ang University, malamang makikita ko pa siya. Tinamaan agad ako sa kanya e. Sayang hindi ko man lang natanong ng personal ang pangalan niya. Hindi man lang ako nakapagpakilala ng maayos at nakipag-shake hands. Sayang talaga. Salamat na lang sa suot niyang damit at nalaman ko ang pangalan niya. Sophia.

Nakakairita 'tong mga tao dito. Lahat nakatingin sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo.

10 minutes before 9:00AM at nahanap ko ang Room - 401. Doon ako umupo sa dulo, ayoko kasi sa harapan umupo antukin ako e. Maya-maya may dumating nadin mga estudyante. Bad trip nga lang, 'yung tumabi sa 'kin iba ang amoy. Amoy sibuyas.  Sakit sa ilong. Gusto ko ngang pasabugin ang ilong niya para maamoy ang sarili niya. Baho! Narinig ko, ang profesor daw namin ay terror, Ms. Mendoza. Terror pala ha! Hindi uso san 'kin 'yan! Balita ko pa matandang dalaga. Swak na swak kung ganon, isang kindat ko lang dun malamang laglag agad panty non! Nakiusyuso ako sa usapan at nalaman ko ang munting talambuhay ni Ms. Mendoza! Nakakatawa!

Isang , "Good Morning, class!" ang pumutol sa halakhakan namin. Dumating na nga si Ms. Mendoza. Nakakatakot yung histura niya. Parang leon na kakain ng buhay na tao kapag nasagi mo. Nakasalamin na malaki ang bilog. Basta, nakakatawa na nakakaasiwa ang hitsura niya.

"Is everybody in?" tanong niya habang naglalakad sa gitna ng klase.

Walang sumagot.

Huminto siya sa paglalakad at sumigaw, "I asked, is everybody in!!!!???"

Sasagot na sana ako, kaso tinatamad ako kaya nanatiling tahimik ang lahat.

"Okay, we are complete, That's what I like. All my students should always be on time. I hate late students." mahinahon  niyang sabi at umupo sa kanyang mesa sa tagiliran ng room.

Aba! Binuklat niya na ang dala-dala niyang makapal na libro, at magsisimula na ng klase. Anak ng teteng, wala man lang getting to know each other, ni hindi nga siya nagpakilala. Himayan utak agad. Tutulugan ko 'to!

Maya-maya, may umabala sa kanyang pagbubuklat ng libro. Laki ng pasasalamat ko sa dumating.

"Good Morning, Ma'am, are you Ms. Sussana Mendoza?"  tanong niya.

Akalain mo nga naman, pagsinusuwerte nga naman. Si Sophia,  kaklase ko. Ayos talaga! Nawala antok ko nang makita ko siya. Ganda niya! Natulala na naman ako sa kanya. Badtrip nga lang mukha siyang sinasabon ng matandang dalaga. Kung alam  ko lang na eto pala ang room na hinahanap niya, sana sinamahan ko siya, sayang! Dagdag pogi points 'yon.

Hindi ko na narinig pa kung ano ang sinsabi ng matandang dalaga, bigla kasing nanikip yung dibdib ko, ang baho kasi ng katabi ko.

"Ms. Sussanna Mendoza, Mr. Samonte, is requesting you to his office. Ms. Sussanna Mendoza, Mr. Samonte, is requesting you to his office."

This is like a music to my ear. Ginising nito ang pamamahinga ko mula sa mabaho kong katabi. Back to normal na naman ang pakiramdam ko, lalo na't katabi ko na pala si Sophia. Buti na lang at katabi ko siya, nasapawan ng bango niya ang katabi ko.

"Hay, kahit papaano talaga ay sinusuwerte pa din ako. Buti na lang at tinawag siya ng Dean. Kahit papano ay mawawala sa isip niya ang pagka-late ko." sabi ni Sophia. 
Naks, naman! Kinausap niya na ako agad, naalala niya pa ako. Pogi ko talaga!

"Talaga lang?" sagot ko at binigay ko ang aking killer smile sa kanya.

Kakaiba ang kanyang naging reaksyon. Parang hindi maipinta ang mukha niya. Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Asa ka pa na makakalimutan ni Virgin Mary 'yun! Matanda na nga siya pero hindi siya makakalimutin." sabi ko at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagangalikot ng bracelet ko, baka kasi yung bracelet sumagot pa hindi katulad niya na hindi man lang sumasagot. Naisip ko, ako nga ba ang kausap niya o baka may mga tao siyang kinakausap na hindi ko  nakikita.

"Huh? Sinong Virgin Mary?" tanong niya.

Bulls eye! Ako nga ang kausap niya. Tinignan ko siya at binulungan. Akala niya ata ay hahalikan ko siya, kasi umurong siya bigla. Foul 'yun! Kahit ganito ang hitsura ko, gentleman ako, at papatunayan ko iyon sa kanya.

"Si Ms. Mendoza, matandang dalaga kaya 'yan. Usap-usapan dito sa skul na simula ng iwanan 'yan ng boyfriend niya nung 1960's, e hindi na 'yan nagkaron ng iba. Hanggang ngayon ata ay moving on pa rin 'yan. Kaw ba naman pagpalit ng boyfriend mo sa bakla, makapag move on ka kaya?" sabi ko sa kanya at  bumalik ako sa aking pwesto. Kung pede nga lang hindi bumalik e gagawin ko. Ang baho kasi talaga ng katabi ko!

Ngumiti siya sa akin at laking gulat ko ng hinawakan niya ang braso ko, medyo mahigpit ang hawak niya, medyo masakit pero okay lang. "Makapag-move on ka kaya kapag sinapak kita?" sabi niya.

Tinitigan niya ko sa aking mga mata at tinitigan ko din siya. Pinana na ng tuluyan ni Stupid Cupid ang puso ko. Maya-maya, humigpit na ang hawak niya sa aking braso, sumakit na rin. Sabi ko sa sarili ko, kailangan ko ng magpaka-gentle man. May kasalanan pala ako sa kanya. Hinawakan ko ang malambot niyang kamay na mahigpit ang pagkakahawak sa aking braso. Nilapag ko sa mesa ng kanyang upuan, at kinausap ko siya ng maayos,

"Sorry, kanina. Sophia. Hindi ko sinasadya na asarin ka. Tinarayan mo kasi ako agad. By the way, I'm Jhed." at inabot ko ang kanang kamay ko sa kanya.

Peace Offering.

Click here for:

Chapter 2

Destiny
(From Boundary: Serendipity)


Nag-antay ako ng ilang minuto, Inantay ko na iabot niya rin ang kanyang mga kamay, pero wala akong napala. Lahat ata ng pagpapacute ko ay hindi umuubra sa kanya.

"How did you know my name?" mataray na tanong niya.

Hindi niya pinansin ang kamay ko, kunwari ay wala lang sa akin 'yon at ngumiti na lamang ako. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko noon, nasaktan ba ako? Manhid na ata ang puso ko at sana'y ng masaktan kaya hindi ko na maipaliwanag kung ano ang aking naramdaman.

Bago pa man ako matunaw sa kahihiyan, ay may kung ano na namang bagay ang pumasok sa aking isip, umiral ang pagka Don Romantiko ko,

"Naniniwala ka ba sa soulmate. Sabi kasi dati noong nagpahula ako "Sophia" daw ang pangalan ng soulmate ko. Noong tinanong ko siya kung paano ko malalaman na si "Sophia" na ang nasa harapan ko, mararamdaman ko na lang daw 'yon. At alam ko ikaw na 'yon." paliwanag ko.

Hindi ko maipaliwanag ang kanyang reaksyon, mahilig ata siya sa mga romantikong tao kasi parang naging interesado siya sa paliwanag ko.

"Naniniwala ka ba sa Reincarnation?" bigla niyang tanong sabay hawi sa mahaba niyang buhok na dumulas sa kanyang mga pisngi.

Sumagot agad ako ng oo, interasado ako sa mga sasabihin niya. Hindi ko napigilang ilapit ang upuan ko sa kanya at makinig,

"Sabi kasi sa 'kin ng kapitbahay naming na reincarnate eh kilala niya daw kung sino ako 100 years ago. Sabi niya isa daw akong prinsesa at mahilig daw ako sa mga aso. At may aso daw akong paboritong-paborito..." huminto siya sa pagkukuwento at tumingin sa akin

Nagkasalubong ang aming mga tingin, at nagpatuloy siya sa pagkukuwento. Doon ko lang nakita ng malapitan ang ganda 
niya, gusto ko sanang sabihin na ako ang Prince Charming niya 100 years ago, at kami ay pinagtagpo ngayon because we are destine for each other. Hihiritan ko na sana siya ng ganon, ng bigla niya akong tinaasan ng kilay at tinulak papalayo sa kanya,

"Alam ko na nakasulat sa damit ko ang pangalan ko. I'm not a slut!" sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya, napahiya na naman ako sa pangalawang pagkakataon, hindi ko narinig kung ano ang ibang sinabi niya basta ang alam ko ay galit talaga siya sa akin. Nakita ko na lang na natatawa ang katabi ko, kinausap ko siya, tiniis ko ang kanyang amoy, mabaling ko lang ang atensyon sa iba, umalis si Sophie 
at naghanap ng ibang upuan.

Maya-maya ay bumalik siya, gusto ko na sanang pigilan ang sarili ko, pero tuwang-tuwa ako pag-naaasar siya,

"O, bakit ka bumalik?" tanong ko, at parang nakipag-usap lang ako sa hangin dahil tinignan niya lang ako ng matalim at hindi siya sumagot.

"Bumalik ka, kasi namiss mo agad ako."  sabi ko, sabay kindat.

Sumagot siya agad, "You wish!" at inilipat niya ang tingin sa harapan.

Hindi na ko muling nagsalita pa, at maya -maya ay dumating na din si Ms. Mendoza. Hindi ko alam kung ano ang biglang nangyari, sa sobrang saya ko ay bigla na namang nanikip ang mga dibdib ko. Tumayo ako at nagpaalam kay Ms. Mendoza para magpahinga. Mabuti at pumayag naman siya.

Nagpahinga ako at nakabawi ulit ng lakas. Sana'y na naman ako sa ganitong takbo ng buhay ko. Maraming bawal gawin, limitado lang ang mga galaw. Paano ka magiging masaya kung ang lahat ay may limitasyon.

Bumalik ako sa pangatlong klase namin, laking tuwa ko at nakita ko si Sophie. Kaklase ko pa rin siya. Naging maayos naman ang takbo ng sumunod na klase, 'yun nga lang hindi ako makabwelo at makatabi kay Sophie dahil para kasing iniwasan niya ko. Para bang ayaw niya na ko makatabi. Naisip ko mas mabuti na nga rin siguro 'yon. Mas mabuti pang manatili siyang galit sa akin.

Minsan nga lang, habang nagkla-klase ay nahuhuli ko siyang tinitignan ako ng palihim. Naisip ko nahahalata niya kayang pinagmamasdan ko siya o pinagmamasdan niya din ako? Sabi nga nila, hindi mo mahuhuling pinagmamasdan ka ng isang tao kung hindi mo din siya tinitignan. Pareho na nga ba kami ng nararamdaman? Hindi tama ito. May mali sa mga ginawa ko. Hindi ko dapat hinayaang mahulog siya sa akin. Hindi dapat.

Click here for:

Chapter 3

After Life
(From Boundary: Life)


Umuwi ako sa aming bahay ng hingal na hingal, naglakad lang kasi ako. Hanggat maari ay gusto kong gawin normal ang lahat sa akin. Habang tumatagal ay para akong kandila na natutunaw at unti-unting nauubos. Sinalubong ako ng mama ko,

"Jhed, dapat ay nagpasundo ka na lang. Ano ba naman ang ginagawa mo, alam mo namang hindi ka pedeng..." sabi niya.

"Ma, ayos lang ako. Hayaan mo na lang akong gawin ang mga bagay na gusto ko hanggat kaya ko pa!" sabi ko sa kanya habang nagpapahinga sa aming sofa.

Umupo ang mama ko sa aking tabi, at hinawakan ang aking kamay. "Anak, kahit anong mangyari andito lang ako. H'wag mong isipin na nag-iisa ka.  Kung may problema, sabihin mo sa akin." at niyakap niya ako ng mahigpit.

Niyakap ko din siya ng mahigpit, "Ma, ayos lang ako. H'wag kang mag-isip ng kung ano-ano." sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa kanyang mga pisngi at pumunta na sa aking kwarto.

Nagulat ako ng may nakasalubong akong bagong mukha sa loob ng bahay,

Ngumiti siya sa akin at bumati, "Magandang hapon po, sir......"

"Jhed. Jhed na lang ang itawag mo sa akin." sabi ko sa kanya.

Nagulat siya, "Ok lang po ba sa inyo 'yon, Si...."

Sumagot agad ako, "Ayos lang 'yon sa akin. Hindi ako sanay na may iba pang tawag sa akin. Lahat sila dito sa bahay, Jhed lang ang tawag sa akin."

"O, anak, mabuti pala at nagkausap na kayo. Siya si Karen, isa 'yan sa pinakamasipag na nurse sa hospital ng papa mo. Medyo sumakit din kasi ang katawan ko kanina kaya pinapunta ko siya. Pansamantalang siya muna ang magbabantay sa atin. In case of emergency, alam mo na tumatanda na din ang mama mo." Paliwanag ng mama ko.

Ngumiti sa akin si Karen, at ganon din naman ako sa kanya.  Dumeretso na ko sa aking kwarto at nagpahinga.

Lumakas ang pakiramdam ko kinabukasan. Pumasok ako. Paborito ko talaga ang Group Dynamics kasi katabi ko siya sa upuan. Hindi ko alam kung bakit ganadong ganado ako nung araw na 'yon. Nakipagdebate pa nga ko ako kay Sophie sa discussion namin. Gusto ko pa sanang sumagot sa mga sinasabi niya pero napag-isipan ko na may point siya. Pinag-isipan ko ng mabuti ang pananaw niya sa buhay.

Matapos ang discussion namin ay naging pala tanong si Sophie sa akin. Lumipas ang mga araw ay nagiging magkatabi na din kami sa klase. Pilit niyang inaalam kung bakit ang lalim kong mag-isip at bakit daw kakaiba ang pananaw ko. Sabi ko ganito lang talaga ako.

Ayokong malaman niya kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon. Ang dami-dami naming napag-uusapan araw-araw. Hindi ko makakalimutan nung isang beses ay pinagusapan namin ang after life.

Sa sobrang lalim siguro ng pinag-uusapin namin ay napunta kami dun. Sabi niya hindi daw siya takot, kung talagang panahon na. Kailangang tanggapin. Sabi pa niya, mas nanaisin niya pa nga daw na alam niya kung hanggang kelan na lang siya para mapaghahandaan niya at magagawa niya na ang lahat ng bagay na gusto niya.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo!" 'yun lang ang sinabi ko sa kanya.

Nanatili lang siyang nakatitig sa akin.

"Naku, Jhed, masyado ka namang seryoso! Tara na at umuwi na tayo!" sagot niya.

Tatayo na sana siya pero pinigilan ko at hinawakan ang kanyang braso, napagdesisyunan ko na sabihin na sa kanya kung ano ang nararamdaman ko,

"Sophie," sabi ko.

Bigla siyang nagalit, at sinabing,

"S-O-P-H-I-A! SOPHIA!!! It's not Sophie!!! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo 'yan! Jhed!" 

Hindi ko alam kung bakit napakomportable sa akin na "Sophie" ang tawag ko sa kanya.

"Kung komportable ka ako hindi!" sabi ni Sophie.Tinignan ko siya. "..pero dahil close na tayo, sige Okay lang." Patuloy niya.


Hindi na ako nakapagsalita pa.

Ayokong masyadong mahulog kay Sophie, dahil alam ko na walang idudulot sa aming mabuti iyon. Ayaw ko siyang saktan. Ayoko siyang masaktan na ako ang dahilan. Pilit kong pinipigilan ang aking nararamdaman para sa kanya, dahil ayoko na dumating ang araw na maging masakit para sa akin ang iwanan siya. 

Napaisip ako sa sinabi niya, hindi naman ako manhid para hindi mahalata ang mga kilos ni Sophie. Ang hirap magbulag-bulagan sa mga bagay na gustong makita ng mga mata mo. Ang hirap pigilan ang pakiramdam na maramdaman ang gusto nitong maramdaman. Sa ganitong sitwasyon ay ang pinakamadaling gawin sa sarili ay pulutin ang batong nasa paa mo at ipokpok sa ulo mo.

Ngumiti ako sa kanya. Tumayo ako sa aming inuupuan at sinabing,

"Alam mo, ayoko ng nagkakaroon ng taong malapit sa akin bukod sa pamilya ko kasi takot ako masaktan."

Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakasabi ko sa kanya. Natakot ako sa magiging reaksyon niya at maaring sabihin.

"Bakit?" tanong niya.

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang gusto kong sabihin. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Humarap ako sa kanya at lumapit,

"Sophie? Ayos lang ba sa'yo kung masasaktan ka?". Tanong ko.

Tinignan niya ko bago siya sumagot, "Sino ba naman ang gustong masaktan sa mundong ito. Syempre, ayoko!"

Tama nga siya, walang tao sa mundong ito ang gustong masaktan. 

Sumagot agad ako,

"Edi, sinagot mo rin 'yung tanong mo sa akin, kung bakit ayokong masaktan. Kung ayaw mo, symepre ayaw ko din!"

Hindi siya sumagot, niyaya ko siyang maglakad at pumayag naman siya.

"Am I weird?"  bigla kong tanong sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad at tinignan ako, "Yes you are!" sagot niya. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad. 

"I'm sorry!" sabi ko. Lumapit siya sa akin, huminto ako at sinabi niya,

"You don't have to say sorry. That's what you are, siguro talagang may mga tao lang sa mundo na katulad mo. EMO!!!!" Tumakbo siya palayo sa akin at humarap at sinabing "Rock and Roll!!"

Natawa ako sa ginawa niya. Ang saya ko ng araw na 'yon.

Click here for:

Chapter 4


Light
(From Boundary: Candle)

Madilim na nang ako ay naka-uwi, hindi ko namalayan ang oras. Nagulat ako at inaantay pala ako ng aking mama.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan sa pisngi. 

"Jhed, masaya ako na makita kang masaya." sabi niya habang nagbabasa ng libro sa upuan.

Lumapit ulit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi.

"Ma, ayokong maging masaya kasi alam ko na masasaktan din ako pagkatapos nito." sabi ko sa kanya.

Binitawan niya ang librong binabasa. Hinawakan niya ang aking kamay at kinausap ako, "Jhed, you don't have to control yourself. If you want to be happy, then do the things that will make you happy. Lahat ng tao ay nasasaktan at masasaktan. Nasa tao nga lang kung paano niya ito tatanggapin, dadalhin." Binitawan niya ang aking kamay at pinahid niya ang kanyang luha. Wala akong ibang nagawa kung hindi siya ay yakapin ng mahigpit.

Mahirap tanggapin sa sarili mo na alam mo na iiwanan mo ang mga mahal mo sa buhay. Ang masakit dito ay handa silang tanggapin ito, pero ikaw sa sarili mo ay hindi mo kayang tanggapin. Naisip ko ang sinabi ni Sophie,

"Genuine happiness is right inside us. If we will learned to accept everything that is happening in this world, we will find it. We should stop asking "Why?" because life is a matter of acceptance."

LIfe is a matter of acceptance. 

Kinausap ko si mama. Alam ko ang bigat na nararamdaman niya. Ginawa na nilang lahat ang maaari nilang gawin ni Papa para maiwasan ang sakit na ito. Pero wala na talaga silang magagawa, tanging ang makinang nasa puso ko na lang ang tumutulong sa akin para mabuhay. Ipinanganak ako na may 
Cardiac dysrhythmia tinatawag din nilang Arrhythmia ang sakit ko. Abnormal daw ang pagtibok ng puso ko. The heart beat may be too fast or too slow, and may be regular or irregular. Mahirap tanggapin pero kailangan.

Ten years old ako ng una kong malaman ang tunay kong kalagayan. Hindi ko man lang na-enjoy ang pagkabata ko, halos isang taon ako tumigil sa hospital. Nadaan ang gamot sa lahat pagkatapos nun, akala ko ayos na. 
Naghigh school ako at nakilala ko si Gene. Napakaganda niya, kahit mga bata palang kami ay lutang na lutang siya sa lahat. Kahit alam kong bata pa ako nun, at hindi normal tulad ng iba ang pagpintig ng puso ko, alam ko sa sarili ko na nahulog ako sa kanya. Naranasan ko ang magmahal at mahalin. Akala ko magiging masaya na talaga ako, pero hindi pala, may katapusan ang lahat.

Dalawang buwan na lang at graduation ko na, pero hindi ko inaasahan na hindi ko na pala masusuot ang puting damit na inaasam ko, nakapagsuot nga ako ng puting damit pero puting damit pang pasyente, sa hospital na naman ako nanirahan.

Humina na naman daw ang puso ko, hindi na daw talaga kaya nito ang mag-pump ng maayos para umayos ang daloy ng dugo ko. Hinang-hina ako, pero alam ko na kaya ko pa naman. Heart transplant daw ang kailangan o 'di kya ay maglalagay ng kung anong makina sa loob ng puso ko, hindi ko alam kung ano ang tawag dun.

Laki ng pasasalamat ko at hindi ako iniwan ni Gene, alam niya ang kalagayan ko sa simula pa lang, akala ko iiwanan niya ako pero hindi niya ginawa. Matagal din ang tinigil ko sa ospital. Hindi ako pumasok sa eskwelehan ng isang taon. Naranasan kong magnuecha beuna sa ospital, masaya din naman. Naranasan ko na rin ang doon magbagong taon.

Naging malakas ako dahil alam ko na maraming nagmamahal sa akin. Nahiya na rin ako kay Gene dahil may mga bagay ako na dapat gawin bilang isa niyang boyfriend na hindi ko magawa. May mga bagay ako na gusto iparamdam sa kanya pero hindi ko maipakita. Natakot ako na baka magsawa siya at iwanan ako.

MAKAKAYA KO KAYA sa kabila ng sitwasyon ko?

"Gene, Happy Birthday!" sabi ko sa kanya habang inaayos ang kakainin namin. Tumawa siya  at lumapit a akin.

"Ano ka ba? Sa isang linggo pa ang birthday ko, ikaw talaga!" sabi niya at hinalikan ako.

Huminga ako ng malalim at sinabi, "Baka kasi hindi kita mabati sa isang linggo, magtampo ka. Saka gusto ko ako ang unang babati sa'yo."

Ngumiti siya pero ang kanyang mga tingin ay matalim. "Ano ka ba! Jhed, h'wag ka ngang magsasalita ng ganyan! Kung anu-ano iniisip mo. Everything will work out fine, Okay!" sabi niya.

Lumabas siya sandali dahil hindi pa rin dumarating ang nurse na kanina pa namin tinatawag. Naiwan akong mag-isa sa kwarto. Naisip ko, kaya ko na naman lumabas, maayos ang pakiramdam ko, wala namang masakit. Bawal nga lang mapagod pero kaya ko na naman. Gusto kong sorpresahin si Gene. Gusto ko makapunta ako sa kanila sa birthday niya.

Ginalaw ko ang aking mga paa, tumayo ako ng dahan-dahan sa kama, mabigat ang aking pakiramdam pero kailangan kong patunayan at ipakita sa kanila na malakas na ako at hindi na kailangan ng ano pang operasyon. Nakahakbang ako, kaya ko naman pala, pero nakahawak ang kamay ko sa mesa. Alam ko na kaya ko 'to. Hinakbang ko ulit ang aking mga paa, unti-unti kong binitawan ang mesa. Nakalakad ako ng ilang hakbang. Natuwa ako at kaya ko na pala talaga. Kailangan akong makita ni Gene na nakatayo, alam kong matutuwa siya. Ngunit hindi lumipas ang isang minuto ay may kung ano akong naramdaman.

Isang malakas na ingay ang bumasag sa katahimikan. Nagdilim ang lahat.

Nagising ang isipan ko, nakamulat ang aking mga mata, ngunit hindi ko maigalaw ang buong katawan ko, animoy may nakadagan na isang buhangin ng truck sa buong katawan ko.

Ang buong lugar ay nababalot ng dilim, ngunit sa aking pwesto ay nakakasilaw ang liwanag.

Nasa langit na ba ako? Pinakiramdaman ko ang paligid, normal naman ang lahat. Maya-maya ay may narinig na akong mga nagsasalita. Hindi ko masyadong maintindihan ang kanilang pinag-uusapan ngunit may isang boses na napakapamilyar sa akin.

Isang lalaki ang bumungad sa akin, ang kanyang mga mata ay napakalungkot ngunit may mga kaunting saya sa mga tingin nito.

Tinanggal niya ang mask na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha. Isang malungkot na ngiti ang bumungad sa akin, ngiti ng aking ama. Doon ko napagtanto ang lahat, napaaga ang aking operasyon dahil sa aking ginawa.

Unti-unting pumatak ang luha sa aking mga mata. Pinawi niya naman ito. Oo nga at manhid ang aking buong katawan. Ang puso ko ay nasa isang maselang operasyon, pero sa kabila ng lahat ay ramdam na ramdam ko ang init ng pagmamahal at pagaalala ng aking ama.

Wala siyang ibang salita na binigkas. Sa kanyang mga tingin ay alam ko ang gusto niyang sabihin...

Lumaban ka, Jhed.

Click here for:

Chapter 5

The Truth
(From Boundary: The Lie)


Malakas ang buhos ng ulan sa labas, medyo iba na rin ang pakiramdam ko. Sabi ni Karen ay may sinat daw ako, sabi ko naman wala. Wala. Pinipilit kong wala! Ayaw ako papasukin ni mama dahil baka kung ano daw ang mangyari. Pinilit ko sila. At wala silang nagawa.

Hinatid ako ni Mang Edgar, ni-request ko na gamitin yung itim na kotse kasi 
paborito ko 'yun sakyan. Hindi ko alam kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko. Ang sarap pakinggan ng pag-buhos ng ulan at pagtunog ng kulog. Sabayan pa ng mabilis na patakbo ng kotse ni Mang Edgar. 

Nasa university na ko ng makita ko si Sophie, nasa guard house. Inaantay ata ang pagtila ng ulan. Bababa sana ako sa kinatatayuan niya, kaso napakabilis talaga magpatakbo ng sasakyan ni Mang Edgar, muntik ko na nga siyang masigawan ng madaanan namin si Sophie. Sa sobrang bilis niya, e muntik niya pa atang matalsikan ng putik si Sophie. Sana ayos lang siya.

Sa kabilang kanto ako nagpababa. Tanaw na tanaw ko si Sophie, mula sa kinatatayuan ko.

"Jhed, anong oras ko po kayo susunduin?" Tanong ni Mang Edgar.

Hindi ako sumagot. Nakita ni Mang Edgar na malayo ang tingin ko. Ngumiti lamang siya.

"Jhed, eto payong. Puntahan mo na yung tinitignan mo at ihatid mo na sa klase. Sige na." Sabi niya sa akin, habang inaabot ang payong.

Sumagot ako, "Mang Edgar, salamat! Pero mas matinik ako sa inyo. May mas malupit akong diskarte." Nginitian ko siya, at sinugod ko ang ulan at tinaklob ko ang jacket sa aking ulo. Wala nang nagawa pa si Mang Edgar.

Nang sumilong ako sa kabilang kanto at tinanaw ko ang sasakyan, ay umalis na ito. At pagtingin ko sa guard house ay wala na rin si Sophie. Anak ng teteng.

Hinanap ko siya, at laking gulat ko ng makita ko siya sa likod ng guard house at nagsasayaw. Hindi ko maunawaan ang kanyang ginagawa, para siyang sumasayaw na pang-Ifugao. Nagco-close - open ang mga kamay at minsa'y tumataas pa ang paa.  Nagtago ako sa isang sulok at pinagmasdan ko lang siya. Nakakatuwa siyang panoorin. Ang sarap niyang pagmasdan.

Makalipas ang ilang minuto ay tinigil niya ang pagsasayaw, huminga siya ng malalim at hinawi ang mahabang buhok na tumataklob sa kanyang mukha. Para akong nasa Cloud 9, nang makita kong ginawa niya 'yun.

Sinundan ko siya, at laking gulat ko nang sinugod niya ang ulan. Late na pala kami. Nang sumilong siya sa isang puno, ay pinuntahan ko na rin siya na kunwari ay noong oras ko pa lang na iyon siya nakita.

"Hi, late na tayo!" bungad ko sa kanya habang nakasaklob sa aking ulo ang jacket ko. Ngumiti lang siya sa akin, at iyon ang pinakamagandang ngiting naibigay niya sa akin.

"Tara na!" sabi ko. Hinila ko siya, itinalukbong ko ang dala kong jacket sa aming dalawa. At sinugod namin ang ulan. Sa aming pagtakbo, ay parang gusto kong itigil ang ikot ng mundo. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang mga braso. Napakasaya ko ng mga oras na iyon. Para lamang kaming naglalaro sa patak ng ulan.

I just realize that staying with someone you really like even you know that you can't be together is like walking under the rain, it feels good but then you know it will make you sick.

Huminto kami sa tapat ng library at nagpahinga ng sandali. Bigla akong nanghina, saya, pagod, hingal, panghihinayang, at pananabik ang sabay-sabay kong naramdaman. Hindi ata kinaya ng puso ko ang ganong pakiramdam. Hinahabol ko na ang hinga ko, ang hirap. Basang-basa pa ako ng ulan.

Nagpaalam ako kay Sophie, at sinabing may kukunin ako sa loob ng library. Sinubukan kong magpahinga sandali, pero hindi ko na kaya, bumibigay na pati ang mga mata ko, gusto nang pumikit. Lumapit ako sa librarian, medyo nahimasmasan ako ng kaunti sa aking pagpapahinga. Kinausap ko siya at nanghiram ng payong para kay Sophie. Sa pag-alis ng librarian ay tinawagan ko na ang mama ko, dahil hindi ko na talaga kaya. Konti na lang at bibigay na ako. Sa pagbalik ng librarian ay hindi ko na nagawang kunin pa ang payong,

"Nasa labas po siya, pakibigay na lang po, kay Sophie." ang huling nasabi ko at dali-dali na kong umalis.

Ang sakit para sa akin, na sa gitna ng kasiyahan naramdaman ko ay bigla biglang mapuputol. Hindi man lang ako nakapag paalam ng maayos kay Sophie. Ganon ba talaga ang buhay? Kapag may saya, may kapalit agad na kalungkutan. Kailangan ko na lang ba na tanggapin ang takbo ng buhay ko. Sabagay, kahit ano ang gawin ko, wala na akong magagawa. Ganito na lang talaga. Tama si Sophie, life is a matter of acceptance.

Click here for:

Chapter 6


"Letting Go"

Natapos ang operasyon. Hiyang-hiya ako kay Gene, dahil hindi niya na pala itinuloy ang pagse-celebrate ng kaarawan niya.

"Sa tingin mo makakapagsaya ako sa araw na iyon, kung alam kong nandito ka. Walang malay, tanging ang mga tubo at mga swerong nakakabit lang sa'yo ang nagpapapintig sa puso mo. Sabihin mo Jhed, makukuha ko pa bang maging masaya, kung alam ko na ang taong mahal na mahal ko ay....."sabi ni Gene. Ang mga luha niya ay patuloy na pumatak sa kanyang mga pisngi. Kahit simpleng pagpawi nito ay hindi ko man lang magawa.

"Nahihirapan ka na ba?" tanong ko sa kanya.

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan. Lumapit sa may bintana at malayo ang tingin, naaaninag ko pa rin ang ganda ng mukha niya sa salamin ng bintana. Hindi ko maikakaila sa aking sarili na ang kanyang mga mata ay puno ng lungkot. Walang tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Inantay ko ang kanyang sagot, pinahid niya ang luha sa mga pisngi, nanatili siyang nakatingin sa malayo at nagsalita,

"Jhed, mahal na mahal kita. Sobrang mahal kita. Sa sobrang pagmamahal ko nga sa'yo, hindi ko alam kung paano tatanggapin sa sarili ko ang kalagayan mo. Paano ko tatanggapin na pagdating ng panahon ay iiwanan mo rin ako? Paano ko tatanggapin na ganito na lang tayo palagi? Kelan tayo magsasama ng normal? Na wala dito? Ilang taon na rin tayong nandito? Hindi ka ba nagsasawa, Jhed?"

Sabi nila, "Boys don't cry!" Pero hindi totoo 'yun. Dahil tumulo ang mga luha ko ng mga oras na iyon. Malaki na nga ang sakripisyo sa akin ni Gene, simula highschool hanggang ngayon ay kasama ko siya. Ang laki ng pagkukulang ko sa kanya. Hindi ako nakapagsalita, hinayaan ko na lang na pumatak ang mga luha sa aking mga mata.

Lumapit sa akin si Gene, hinawakan niya ng mahigpit ang aking mga kamay. Umupo siya sa aking tabi. Pinawi niya ang aking mga luha.

"Jhed, sinasama na ako nila mommy sa States." sabi niya sa akin at hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Tumungo siya at pumatak na naman ang luha niya.

Iniangat ko ang kanyang mukha, pinahid ko ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Nanatiling siyang nakatingin sa kung saan.

"Masakit sa akin na makitang naiyak ka. Alam mo ba 'yon?" sabi ko sa kanya. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at niyakap ko din siya ng mahigpit.

Kung maibabalik ko lang ang oras na 'yon ay gagawin ko. Ang sarap ng pakiramdam na may isang taong yumayakap sa'yo ng mahigpit sa kabila ng sakit na nararamdaman mo.

"Jhed? Sabihin mo lang sa akin na h'wag ako  sumama. Sabihin mo lang sa akin na kailangan kong maiwan. Gagawin ko, sasamahan kita. Wala akong paki-alam kung ganito lang tayo, basta masaya tayong dalawang magkasama, 'yon ang mahalaga." sabi niya habang mahigpit ang yakap sa akin, at pumapatak ang luha.

Hinawakan ko ang mga braso niya, at bumitaw ako sa aking pagkakayakap. Hinawakan ko ang malalambot niyang buhok, ang kanyang mapupulang pisngi at malalambot na labi. Nakatingin lamang siya sa akin. Tinignan ko siya at sinabing,

"Mas magiging masaya ka kung sasama ka sa kanila."

Sumagot siya habang namuo muli ang mga luha sa kanyang mga mata,

"Jhed..."

Hinawakan ko ang kanyang mga mata at sinabing,

"Gene, 'di ba sinabi ko sa'yo na masakit sa akin ang makita kang umiiyak."

Inalis niya ang aking mga kamay sa kanyang mga mata, pagkatapos ay tinakpan niya ang kanyang mukha ng kanyang dalawang mga kamay at nagsalita,

"Sa tuwing iiyak ako, ganito ang gagawin ko para hindi mo ako makita, para hindi ka masaktan."

Dali-dali kong inalis ang mga kamay niya sa kanyang mukha. Pinipigilan niya ito. Wala akong lakas para labanan siya. Hinayaan ko na lang siya.

"Gene, mahal kita. Sa tingin mo ba makakaya ko na sa tuwing nalulungkot ka ay itatago mo sa akin, sa halip na dapat ay sa tuwing malulungkot ka ay dapat sa akin ka naiyak." sabi ko sa kanya.

Tinanggal niya ang mga kamay niya sa kanyang mukha. Nakita ko ang mga mata niya na namumugto sa pag-iyak. Tinignan niya lang ako.

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at sinabing,

"Sobrang mahal kita, at ayokong nakikita kang nasasaktan. Ang mga kamay na 'to ay dapat ginagamit mo para hawakan ang mga taong mahahalaga sa'yo. Hindi mo dapat 'to ginagamit sa pagpahid ng luha. Hayaan mo ang taong mahalaga sa'yo ang magpahid ng luha mo."

Niyakap niya ako ng mahigpit at ganon din ako sa kanya. Masakit para sa akin na pakawalan ang taong nagsisilbing liwanag sa madilim kong buhay, pero kung nakikita ko naman siyang nasasaktan habang nasa piling ko ay mas mabuti pang maglakad sa dilim na walang makita. Hindi na baling ako ang madapa at masaktan, huwag lang siya.

"Sumama ka sa kanila Gene, 'yun ang mas makakabuti sa'yo. Kailangan na natin sanayin ang sarili natin na hindi tayo magkasama, para kung masasaktan tayo ay hindi na ganon kasakit at kaya na agad gamutin ng iba. Sabi nga nila dito prevention is better than cure, diba?" sabi ko sa kanya, habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Hinawakan ni Gene ang aking mga kamay, at nagsalita,

"Aalis ako, pero tandaan mo, hindi kita iiwanan. Promise me, that you will fight! Pangako mo na makakarecover ka, I hope sa pagbalik ko e, mas malakas kana." sabi niya sa akin at muli niya akong niyakap.

I have learned that letting go is not that painful. Lalo na kung maayos niyong napag-usapan.

Sabi nga ng kanta, "Every new beginning comes on every beginnings end."

Makalipas ang anim na buwan ay nakarecover ako sa operasyon. Tulad pa rin ng dati, maraming bawal, at dapat lagi akong may supply ng tubig. Medyo bumalik ang normal sa lahat. Tinigil ko na rin ang komunikasyon ko kay Gene. Mas gusto ko nang nag-iisa. Naging mahilig ako sa mga bagay na kulay itim. Ewan ko ba, nagpahikaw na rin ako sa dila, at sa tenga. Naging astig sa paningin ko 'yung mga nakikita ko sa internet na looks. 'Yung tipong sa pananamit mo ilalabas ang lahat ng nararamdaman mo. Masarap pala sa pakiramdam ang ganun.

Dumating ang bagong school year. Gusto kong gawin normal ang lahat, kaya pumasok ako sa isang University. Pinangako ko sa sarili ko na magsasaya lamang ako. Hindi ako mananakit ng damdamin ng iba at ganun din sa sarili ko. Pero nagkamali ako, nang makita at makilala ko si Sophie ay nagiba ang takbo ng pananaw ko sa buhay.

Salamat at nakilala ko siya.

Click here for:

Chapter 7

Acceptance

Dumating ang araw na kinakatakutan ko.

Heto na naman ako nakaratay sa aking higaan, ang mga swero at tubong ito na naman ang nagbibigay buhay sa akin. Hindi na ako nakapasok sa University matapos kung umalis galing sa library.

"Anak, kaya mo pa ba?" tanong sa akin ni Mama.

Tumulo lang ang luha sa aking mga mata. Ano ba ang pakiramdam ng isang inang nakikita ang anak niya sa ganitong sitwasyon? Napakatapang niya, dahil sa kabila ng lahat ay hindi niya ipinapakita sa akin ang sakit na nadarama niya.

Ngumiti ako sa kanya. Hinawakan niya ang aking mga kamay, at nagsalita ako,

"Ma, alam mo ba may nakapagsabi sa akin na ang buhay daw ay isang pagtanggap. Kailangan daw natin tanggapin ang lahat ng nangyayari para maging masaya."

Humigpit ang hawak ng aking mama sa aking mga kamay.

"Dati, lagi akong nagtatanong, bakit ako pa ang nagkaganito? Ano ang malaki kong kasalanan? Bakit ako at hindi ang ibang tao? Bakit kailangan mong mahirapan Ma? Bakit pa ko isinilang kung ganito rin lang naman ang mangyayari?"

Sumagot ng malumanay ang mama ko,

"Jhed, you were born to make me happy. Ikaw ang kumumpleto sa buhay namin ng papa mo."

Tumingin ako sa kanya at sinabing,

"I was born to make you happy and hurt you ma. I was born to give pain to all the people that I love. Ikaw, si papa, si Gene at si Sophie."

"No, you are not. Akala mo lang 'yan kasi nga hindi mo pa natatanggap ang lahat. Once, you've learned to accept it, anak, 'dun ka palang magiging panatag. You will get satisfaction." paliwanag niya.

"Tama nga pala si Sophie, ma. I should not blame life. I should not blame anything. I'm sorry." at tumulo ang mga luha ko.  Niyakap niya ako ng mahigpit.

Maya-maya ay dumating si Karen. Pumunta siya ng University para paalam ang tunay kong kalagayan.

"Ma'am, ayos na po ang lahat. Nakausap ko na po ang Proffesor ni Jhed." sabi ni Karen habang inaayos ang mga dala-dala niya.

"Mabuti naman kung ganon." sabi ni mama.

"Mabuti nga ma'am at pumayag ang proffesor ni Jhed sa kanyang pabor na h'wag sabihin sa klase ang tunay na dahilan. Ang sabi niya ma'am ay sasabihin niya na lang daw na magmi-migrate na kayo sa states." paliwanag niya.

Lumapit siya sa aking kama at kinuhanan ako ng blood pressure,

"Sabi nga ni Ms. Mendoza, hindi niya daw alam kung paano niya itatago sa klase ang totoo, kung kitang-kita naman daw sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Ang sabi ko naman sabihin niya na lamag ay napuwing siya." ngumiti si Karen at iniayos ulit ang mga gamit nito.

"Maayos naman ang blood pressure mo, Jhed. H'wag kang mag-isip ng kung anu-ano mas makakabuti 'yan." sabi niya.

Napakasuwerte ko at si Karen ang nag-aalaga sa amin ni Mama. Napakabait niya. Halos dito na nga rin siya nakatira sa bahay.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko,

"Ma, gusto kong makita si Sophie. Gusto kong magpaalam sa kanya ng maayos." sabi ko sa kanya.

Nagkatinginan si Karen at ang aking mama.

Hindi nagsalita si Mama, si Karen lamang ang nagsalita,

"Ma'am, kilala ko po siya. Nakita ko po siya kanina. Ewan ko ba ma'am, at masama ang tingin niya sa akin kanina. Akala siguro ay girlfriend ako ni Jhed. Naku, si Jhed talaga, chickboy!"

Natawa ako sa sinabi niya, nagseselos si Sophie kay Karen.

"Gusto ko siya makita, Ma. Pero.. " May gusto pa sana akong sabihin ngunit pinutol na ito ni mama.

"Kami na ang bahala ni Karen, kakausapin ko muna siya bago kayo magkita." sabi niya.

Hindi alam ni Sophie na alam ko ang lahat ng detalye sa kanya. Ang paborito niyang kulay, pelikula, pagkain at lahat-lahat. Hindi niya alam ay alam ko ang cellphone number niya, hiningi ko 'yun dati sa kaklase kong babae. Binigay ko iyon kay mama at sila na ang gumawa ng paraan para makita ko ulit siya.

Hindi ko na maantay ang oras na makita ulit siya.

Click here for: