Breaking Boundaries
Meeting The Boundary)
Ang masilayan si Sophie sa mga huling sandali ay ang pinakamagandang bagay na nakita ng aking mga mata. Sa kanyang pag-alis ay binuksan ko ang sulat na kanyang ibinigay sa akin. Ang akala niya ay nakaalis na ako papuntang states.
"Jhed,
I just want you to know that I Love You. At sa'yong pag-alis ay gusto kong malaman mo na tanggap ko ang iyong desisyon. Alam ko na ang pag-alis mo ay ang iyong ikasasaya. I just want you to remember, that you will always have a special place in my heart. Kung nasaan ka man ngayon sana ay maging masaya ka. I love you.
Sophie"
Naging magaan ang pakiramdam ko ng mabasa ang sulat ni Sophie. Dumulas sa aking mahihinang kamay ang sulat niya. Pinikit ko ang aking mata. Bumalot ang dilim sa buong paligid. And I'm ready to take my journey now, beyond the boundary.
Ang lahat ng ala-ala ay bumalik sa akin. At isang ngiti ang muling bumungad sa akin, ngiti ng aking ama, at sa pangalawang pagkakataon ay nagsalita na siya,
"Jhed, lumaban ka."
Click Here for:

No comments:
Post a Comment