Para sa mga taong walang-wala, sa mga taong walang kwenta, sa mga taong wala lang, sa mga taong na wala na,sa mga taong walang takot, walang magawa, walang utang na loob,walaaaaa! Sa madaling salita "Walang Pamagat" walang posisyon, walang trabaho, walang pera, walang K! hehehe wala lahat!Meron k ba? Aq wala hahahaha!

Friday, February 4, 2011

Chapter 4


Light
(From Boundary: Candle)

Madilim na nang ako ay naka-uwi, hindi ko namalayan ang oras. Nagulat ako at inaantay pala ako ng aking mama.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan sa pisngi. 

"Jhed, masaya ako na makita kang masaya." sabi niya habang nagbabasa ng libro sa upuan.

Lumapit ulit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi.

"Ma, ayokong maging masaya kasi alam ko na masasaktan din ako pagkatapos nito." sabi ko sa kanya.

Binitawan niya ang librong binabasa. Hinawakan niya ang aking kamay at kinausap ako, "Jhed, you don't have to control yourself. If you want to be happy, then do the things that will make you happy. Lahat ng tao ay nasasaktan at masasaktan. Nasa tao nga lang kung paano niya ito tatanggapin, dadalhin." Binitawan niya ang aking kamay at pinahid niya ang kanyang luha. Wala akong ibang nagawa kung hindi siya ay yakapin ng mahigpit.

Mahirap tanggapin sa sarili mo na alam mo na iiwanan mo ang mga mahal mo sa buhay. Ang masakit dito ay handa silang tanggapin ito, pero ikaw sa sarili mo ay hindi mo kayang tanggapin. Naisip ko ang sinabi ni Sophie,

"Genuine happiness is right inside us. If we will learned to accept everything that is happening in this world, we will find it. We should stop asking "Why?" because life is a matter of acceptance."

LIfe is a matter of acceptance. 

Kinausap ko si mama. Alam ko ang bigat na nararamdaman niya. Ginawa na nilang lahat ang maaari nilang gawin ni Papa para maiwasan ang sakit na ito. Pero wala na talaga silang magagawa, tanging ang makinang nasa puso ko na lang ang tumutulong sa akin para mabuhay. Ipinanganak ako na may 
Cardiac dysrhythmia tinatawag din nilang Arrhythmia ang sakit ko. Abnormal daw ang pagtibok ng puso ko. The heart beat may be too fast or too slow, and may be regular or irregular. Mahirap tanggapin pero kailangan.

Ten years old ako ng una kong malaman ang tunay kong kalagayan. Hindi ko man lang na-enjoy ang pagkabata ko, halos isang taon ako tumigil sa hospital. Nadaan ang gamot sa lahat pagkatapos nun, akala ko ayos na. 
Naghigh school ako at nakilala ko si Gene. Napakaganda niya, kahit mga bata palang kami ay lutang na lutang siya sa lahat. Kahit alam kong bata pa ako nun, at hindi normal tulad ng iba ang pagpintig ng puso ko, alam ko sa sarili ko na nahulog ako sa kanya. Naranasan ko ang magmahal at mahalin. Akala ko magiging masaya na talaga ako, pero hindi pala, may katapusan ang lahat.

Dalawang buwan na lang at graduation ko na, pero hindi ko inaasahan na hindi ko na pala masusuot ang puting damit na inaasam ko, nakapagsuot nga ako ng puting damit pero puting damit pang pasyente, sa hospital na naman ako nanirahan.

Humina na naman daw ang puso ko, hindi na daw talaga kaya nito ang mag-pump ng maayos para umayos ang daloy ng dugo ko. Hinang-hina ako, pero alam ko na kaya ko pa naman. Heart transplant daw ang kailangan o 'di kya ay maglalagay ng kung anong makina sa loob ng puso ko, hindi ko alam kung ano ang tawag dun.

Laki ng pasasalamat ko at hindi ako iniwan ni Gene, alam niya ang kalagayan ko sa simula pa lang, akala ko iiwanan niya ako pero hindi niya ginawa. Matagal din ang tinigil ko sa ospital. Hindi ako pumasok sa eskwelehan ng isang taon. Naranasan kong magnuecha beuna sa ospital, masaya din naman. Naranasan ko na rin ang doon magbagong taon.

Naging malakas ako dahil alam ko na maraming nagmamahal sa akin. Nahiya na rin ako kay Gene dahil may mga bagay ako na dapat gawin bilang isa niyang boyfriend na hindi ko magawa. May mga bagay ako na gusto iparamdam sa kanya pero hindi ko maipakita. Natakot ako na baka magsawa siya at iwanan ako.

MAKAKAYA KO KAYA sa kabila ng sitwasyon ko?

"Gene, Happy Birthday!" sabi ko sa kanya habang inaayos ang kakainin namin. Tumawa siya  at lumapit a akin.

"Ano ka ba? Sa isang linggo pa ang birthday ko, ikaw talaga!" sabi niya at hinalikan ako.

Huminga ako ng malalim at sinabi, "Baka kasi hindi kita mabati sa isang linggo, magtampo ka. Saka gusto ko ako ang unang babati sa'yo."

Ngumiti siya pero ang kanyang mga tingin ay matalim. "Ano ka ba! Jhed, h'wag ka ngang magsasalita ng ganyan! Kung anu-ano iniisip mo. Everything will work out fine, Okay!" sabi niya.

Lumabas siya sandali dahil hindi pa rin dumarating ang nurse na kanina pa namin tinatawag. Naiwan akong mag-isa sa kwarto. Naisip ko, kaya ko na naman lumabas, maayos ang pakiramdam ko, wala namang masakit. Bawal nga lang mapagod pero kaya ko na naman. Gusto kong sorpresahin si Gene. Gusto ko makapunta ako sa kanila sa birthday niya.

Ginalaw ko ang aking mga paa, tumayo ako ng dahan-dahan sa kama, mabigat ang aking pakiramdam pero kailangan kong patunayan at ipakita sa kanila na malakas na ako at hindi na kailangan ng ano pang operasyon. Nakahakbang ako, kaya ko naman pala, pero nakahawak ang kamay ko sa mesa. Alam ko na kaya ko 'to. Hinakbang ko ulit ang aking mga paa, unti-unti kong binitawan ang mesa. Nakalakad ako ng ilang hakbang. Natuwa ako at kaya ko na pala talaga. Kailangan akong makita ni Gene na nakatayo, alam kong matutuwa siya. Ngunit hindi lumipas ang isang minuto ay may kung ano akong naramdaman.

Isang malakas na ingay ang bumasag sa katahimikan. Nagdilim ang lahat.

Nagising ang isipan ko, nakamulat ang aking mga mata, ngunit hindi ko maigalaw ang buong katawan ko, animoy may nakadagan na isang buhangin ng truck sa buong katawan ko.

Ang buong lugar ay nababalot ng dilim, ngunit sa aking pwesto ay nakakasilaw ang liwanag.

Nasa langit na ba ako? Pinakiramdaman ko ang paligid, normal naman ang lahat. Maya-maya ay may narinig na akong mga nagsasalita. Hindi ko masyadong maintindihan ang kanilang pinag-uusapan ngunit may isang boses na napakapamilyar sa akin.

Isang lalaki ang bumungad sa akin, ang kanyang mga mata ay napakalungkot ngunit may mga kaunting saya sa mga tingin nito.

Tinanggal niya ang mask na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha. Isang malungkot na ngiti ang bumungad sa akin, ngiti ng aking ama. Doon ko napagtanto ang lahat, napaaga ang aking operasyon dahil sa aking ginawa.

Unti-unting pumatak ang luha sa aking mga mata. Pinawi niya naman ito. Oo nga at manhid ang aking buong katawan. Ang puso ko ay nasa isang maselang operasyon, pero sa kabila ng lahat ay ramdam na ramdam ko ang init ng pagmamahal at pagaalala ng aking ama.

Wala siyang ibang salita na binigkas. Sa kanyang mga tingin ay alam ko ang gusto niyang sabihin...

Lumaban ka, Jhed.

Click here for:

No comments:

Post a Comment