Dumating ang araw na kinakatakutan ko.
Heto na naman ako nakaratay sa aking higaan, ang mga swero at tubong ito na naman ang nagbibigay buhay sa akin. Hindi na ako nakapasok sa University matapos kung umalis galing sa library.
"Anak, kaya mo pa ba?" tanong sa akin ni Mama.
Tumulo lang ang luha sa aking mga mata. Ano ba ang pakiramdam ng isang inang nakikita ang anak niya sa ganitong sitwasyon? Napakatapang niya, dahil sa kabila ng lahat ay hindi niya ipinapakita sa akin ang sakit na nadarama niya.
Ngumiti ako sa kanya. Hinawakan niya ang aking mga kamay, at nagsalita ako,
"Ma, alam mo ba may nakapagsabi sa akin na ang buhay daw ay isang pagtanggap. Kailangan daw natin tanggapin ang lahat ng nangyayari para maging masaya."
Humigpit ang hawak ng aking mama sa aking mga kamay.
"Dati, lagi akong nagtatanong, bakit ako pa ang nagkaganito? Ano ang malaki kong kasalanan? Bakit ako at hindi ang ibang tao? Bakit kailangan mong mahirapan Ma? Bakit pa ko isinilang kung ganito rin lang naman ang mangyayari?"
Sumagot ng malumanay ang mama ko,
"Jhed, you were born to make me happy. Ikaw ang kumumpleto sa buhay namin ng papa mo."
Tumingin ako sa kanya at sinabing,
"I was born to make you happy and hurt you ma. I was born to give pain to all the people that I love. Ikaw, si papa, si Gene at si Sophie."
"No, you are not. Akala mo lang 'yan kasi nga hindi mo pa natatanggap ang lahat. Once, you've learned to accept it, anak, 'dun ka palang magiging panatag. You will get satisfaction." paliwanag niya.
"Tama nga pala si Sophie, ma. I should not blame life. I should not blame anything. I'm sorry." at tumulo ang mga luha ko. Niyakap niya ako ng mahigpit.
Maya-maya ay dumating si Karen. Pumunta siya ng University para paalam ang tunay kong kalagayan.
"Ma'am, ayos na po ang lahat. Nakausap ko na po ang Proffesor ni Jhed." sabi ni Karen habang inaayos ang mga dala-dala niya.
"Mabuti naman kung ganon." sabi ni mama.
"Mabuti nga ma'am at pumayag ang proffesor ni Jhed sa kanyang pabor na h'wag sabihin sa klase ang tunay na dahilan. Ang sabi niya ma'am ay sasabihin niya na lang daw na magmi-migrate na kayo sa states." paliwanag niya.
Lumapit siya sa aking kama at kinuhanan ako ng blood pressure,
"Sabi nga ni Ms. Mendoza, hindi niya daw alam kung paano niya itatago sa klase ang totoo, kung kitang-kita naman daw sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Ang sabi ko naman sabihin niya na lamag ay napuwing siya." ngumiti si Karen at iniayos ulit ang mga gamit nito.
"Maayos naman ang blood pressure mo, Jhed. H'wag kang mag-isip ng kung anu-ano mas makakabuti 'yan." sabi niya.
Napakasuwerte ko at si Karen ang nag-aalaga sa amin ni Mama. Napakabait niya. Halos dito na nga rin siya nakatira sa bahay.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko,
"Ma, gusto kong makita si Sophie. Gusto kong magpaalam sa kanya ng maayos." sabi ko sa kanya.
Nagkatinginan si Karen at ang aking mama.
Hindi nagsalita si Mama, si Karen lamang ang nagsalita,
"Ma'am, kilala ko po siya. Nakita ko po siya kanina. Ewan ko ba ma'am, at masama ang tingin niya sa akin kanina. Akala siguro ay girlfriend ako ni Jhed. Naku, si Jhed talaga, chickboy!"
Natawa ako sa sinabi niya, nagseselos si Sophie kay Karen.
"Gusto ko siya makita, Ma. Pero.. " May gusto pa sana akong sabihin ngunit pinutol na ito ni mama.
"Kami na ang bahala ni Karen, kakausapin ko muna siya bago kayo magkita." sabi niya.
Hindi alam ni Sophie na alam ko ang lahat ng detalye sa kanya. Ang paborito niyang kulay, pelikula, pagkain at lahat-lahat. Hindi niya alam ay alam ko ang cellphone number niya, hiningi ko 'yun dati sa kaklase kong babae. Binigay ko iyon kay mama at sila na ang gumawa ng paraan para makita ko ulit siya.
Hindi ko na maantay ang oras na makita ulit siya.
Click here for:

No comments:
Post a Comment