After Life
(From Boundary: Life)
Umuwi ako sa aming bahay ng hingal na hingal, naglakad lang kasi ako. Hanggat maari ay gusto kong gawin normal ang lahat sa akin. Habang tumatagal ay para akong kandila na natutunaw at unti-unting nauubos. Sinalubong ako ng mama ko,
"Jhed, dapat ay nagpasundo ka na lang. Ano ba naman ang ginagawa mo, alam mo namang hindi ka pedeng..." sabi niya.
"Ma, ayos lang ako. Hayaan mo na lang akong gawin ang mga bagay na gusto ko hanggat kaya ko pa!" sabi ko sa kanya habang nagpapahinga sa aming sofa.
Umupo ang mama ko sa aking tabi, at hinawakan ang aking kamay. "Anak, kahit anong mangyari andito lang ako. H'wag mong isipin na nag-iisa ka. Kung may problema, sabihin mo sa akin." at niyakap niya ako ng mahigpit.
Niyakap ko din siya ng mahigpit, "Ma, ayos lang ako. H'wag kang mag-isip ng kung ano-ano." sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa kanyang mga pisngi at pumunta na sa aking kwarto.
Nagulat ako ng may nakasalubong akong bagong mukha sa loob ng bahay,
Ngumiti siya sa akin at bumati, "Magandang hapon po, sir......"
"Jhed. Jhed na lang ang itawag mo sa akin." sabi ko sa kanya.
Nagulat siya, "Ok lang po ba sa inyo 'yon, Si...."
Sumagot agad ako, "Ayos lang 'yon sa akin. Hindi ako sanay na may iba pang tawag sa akin. Lahat sila dito sa bahay, Jhed lang ang tawag sa akin."
"O, anak, mabuti pala at nagkausap na kayo. Siya si Karen, isa 'yan sa pinakamasipag na nurse sa hospital ng papa mo. Medyo sumakit din kasi ang katawan ko kanina kaya pinapunta ko siya. Pansamantalang siya muna ang magbabantay sa atin. In case of emergency, alam mo na tumatanda na din ang mama mo." Paliwanag ng mama ko.
Ngumiti sa akin si Karen, at ganon din naman ako sa kanya. Dumeretso na ko sa aking kwarto at nagpahinga.
Lumakas ang pakiramdam ko kinabukasan. Pumasok ako. Paborito ko talaga ang Group Dynamics kasi katabi ko siya sa upuan. Hindi ko alam kung bakit ganadong ganado ako nung araw na 'yon. Nakipagdebate pa nga ko ako kay Sophie sa discussion namin. Gusto ko pa sanang sumagot sa mga sinasabi niya pero napag-isipan ko na may point siya. Pinag-isipan ko ng mabuti ang pananaw niya sa buhay.
Matapos ang discussion namin ay naging pala tanong si Sophie sa akin. Lumipas ang mga araw ay nagiging magkatabi na din kami sa klase. Pilit niyang inaalam kung bakit ang lalim kong mag-isip at bakit daw kakaiba ang pananaw ko. Sabi ko ganito lang talaga ako.
Ayokong malaman niya kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon. Ang dami-dami naming napag-uusapan araw-araw. Hindi ko makakalimutan nung isang beses ay pinagusapan namin ang after life.
Sa sobrang lalim siguro ng pinag-uusapin namin ay napunta kami dun. Sabi niya hindi daw siya takot, kung talagang panahon na. Kailangang tanggapin. Sabi pa niya, mas nanaisin niya pa nga daw na alam niya kung hanggang kelan na lang siya para mapaghahandaan niya at magagawa niya na ang lahat ng bagay na gusto niya.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo!" 'yun lang ang sinabi ko sa kanya.
Nanatili lang siyang nakatitig sa akin.
"Naku, Jhed, masyado ka namang seryoso! Tara na at umuwi na tayo!" sagot niya.
Tatayo na sana siya pero pinigilan ko at hinawakan ang kanyang braso, napagdesisyunan ko na sabihin na sa kanya kung ano ang nararamdaman ko,
"Sophie," sabi ko.
Bigla siyang nagalit, at sinabing,
"S-O-P-H-I-A! SOPHIA!!! It's not Sophie!!! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo 'yan! Jhed!"
Hindi ko alam kung bakit napakomportable sa akin na "Sophie" ang tawag ko sa kanya.
"Kung komportable ka ako hindi!" sabi ni Sophie.Tinignan ko siya. "..pero dahil close na tayo, sige Okay lang." Patuloy niya.
Hindi na ako nakapagsalita pa.
Ayokong masyadong mahulog kay Sophie, dahil alam ko na walang idudulot sa aming mabuti iyon. Ayaw ko siyang saktan. Ayoko siyang masaktan na ako ang dahilan. Pilit kong pinipigilan ang aking nararamdaman para sa kanya, dahil ayoko na dumating ang araw na maging masakit para sa akin ang iwanan siya.
Napaisip ako sa sinabi niya, hindi naman ako manhid para hindi mahalata ang mga kilos ni Sophie. Ang hirap magbulag-bulagan sa mga bagay na gustong makita ng mga mata mo. Ang hirap pigilan ang pakiramdam na maramdaman ang gusto nitong maramdaman. Sa ganitong sitwasyon ay ang pinakamadaling gawin sa sarili ay pulutin ang batong nasa paa mo at ipokpok sa ulo mo.
Ngumiti ako sa kanya. Tumayo ako sa aming inuupuan at sinabing,
"Alam mo, ayoko ng nagkakaroon ng taong malapit sa akin bukod sa pamilya ko kasi takot ako masaktan."
Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakasabi ko sa kanya. Natakot ako sa magiging reaksyon niya at maaring sabihin.
"Bakit?" tanong niya.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang gusto kong sabihin. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Humarap ako sa kanya at lumapit,
"Sophie? Ayos lang ba sa'yo kung masasaktan ka?". Tanong ko.
Tinignan niya ko bago siya sumagot, "Sino ba naman ang gustong masaktan sa mundong ito. Syempre, ayoko!"
Tama nga siya, walang tao sa mundong ito ang gustong masaktan.
Sumagot agad ako,
"Edi, sinagot mo rin 'yung tanong mo sa akin, kung bakit ayokong masaktan. Kung ayaw mo, symepre ayaw ko din!"
Hindi siya sumagot, niyaya ko siyang maglakad at pumayag naman siya.
"Am I weird?" bigla kong tanong sa kanya.
Tumigil siya sa paglalakad at tinignan ako, "Yes you are!" sagot niya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
"I'm sorry!" sabi ko. Lumapit siya sa akin, huminto ako at sinabi niya,
"You don't have to say sorry. That's what you are, siguro talagang may mga tao lang sa mundo na katulad mo. EMO!!!!" Tumakbo siya palayo sa akin at humarap at sinabing "Rock and Roll!!"
Natawa ako sa ginawa niya. Ang saya ko ng araw na 'yon.
Click here for:

No comments:
Post a Comment