Para sa mga taong walang-wala, sa mga taong walang kwenta, sa mga taong wala lang, sa mga taong na wala na,sa mga taong walang takot, walang magawa, walang utang na loob,walaaaaa! Sa madaling salita "Walang Pamagat" walang posisyon, walang trabaho, walang pera, walang K! hehehe wala lahat!Meron k ba? Aq wala hahahaha!

Friday, February 4, 2011

Chapter 2

Destiny
(From Boundary: Serendipity)


Nag-antay ako ng ilang minuto, Inantay ko na iabot niya rin ang kanyang mga kamay, pero wala akong napala. Lahat ata ng pagpapacute ko ay hindi umuubra sa kanya.

"How did you know my name?" mataray na tanong niya.

Hindi niya pinansin ang kamay ko, kunwari ay wala lang sa akin 'yon at ngumiti na lamang ako. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko noon, nasaktan ba ako? Manhid na ata ang puso ko at sana'y ng masaktan kaya hindi ko na maipaliwanag kung ano ang aking naramdaman.

Bago pa man ako matunaw sa kahihiyan, ay may kung ano na namang bagay ang pumasok sa aking isip, umiral ang pagka Don Romantiko ko,

"Naniniwala ka ba sa soulmate. Sabi kasi dati noong nagpahula ako "Sophia" daw ang pangalan ng soulmate ko. Noong tinanong ko siya kung paano ko malalaman na si "Sophia" na ang nasa harapan ko, mararamdaman ko na lang daw 'yon. At alam ko ikaw na 'yon." paliwanag ko.

Hindi ko maipaliwanag ang kanyang reaksyon, mahilig ata siya sa mga romantikong tao kasi parang naging interesado siya sa paliwanag ko.

"Naniniwala ka ba sa Reincarnation?" bigla niyang tanong sabay hawi sa mahaba niyang buhok na dumulas sa kanyang mga pisngi.

Sumagot agad ako ng oo, interasado ako sa mga sasabihin niya. Hindi ko napigilang ilapit ang upuan ko sa kanya at makinig,

"Sabi kasi sa 'kin ng kapitbahay naming na reincarnate eh kilala niya daw kung sino ako 100 years ago. Sabi niya isa daw akong prinsesa at mahilig daw ako sa mga aso. At may aso daw akong paboritong-paborito..." huminto siya sa pagkukuwento at tumingin sa akin

Nagkasalubong ang aming mga tingin, at nagpatuloy siya sa pagkukuwento. Doon ko lang nakita ng malapitan ang ganda 
niya, gusto ko sanang sabihin na ako ang Prince Charming niya 100 years ago, at kami ay pinagtagpo ngayon because we are destine for each other. Hihiritan ko na sana siya ng ganon, ng bigla niya akong tinaasan ng kilay at tinulak papalayo sa kanya,

"Alam ko na nakasulat sa damit ko ang pangalan ko. I'm not a slut!" sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya, napahiya na naman ako sa pangalawang pagkakataon, hindi ko narinig kung ano ang ibang sinabi niya basta ang alam ko ay galit talaga siya sa akin. Nakita ko na lang na natatawa ang katabi ko, kinausap ko siya, tiniis ko ang kanyang amoy, mabaling ko lang ang atensyon sa iba, umalis si Sophie 
at naghanap ng ibang upuan.

Maya-maya ay bumalik siya, gusto ko na sanang pigilan ang sarili ko, pero tuwang-tuwa ako pag-naaasar siya,

"O, bakit ka bumalik?" tanong ko, at parang nakipag-usap lang ako sa hangin dahil tinignan niya lang ako ng matalim at hindi siya sumagot.

"Bumalik ka, kasi namiss mo agad ako."  sabi ko, sabay kindat.

Sumagot siya agad, "You wish!" at inilipat niya ang tingin sa harapan.

Hindi na ko muling nagsalita pa, at maya -maya ay dumating na din si Ms. Mendoza. Hindi ko alam kung ano ang biglang nangyari, sa sobrang saya ko ay bigla na namang nanikip ang mga dibdib ko. Tumayo ako at nagpaalam kay Ms. Mendoza para magpahinga. Mabuti at pumayag naman siya.

Nagpahinga ako at nakabawi ulit ng lakas. Sana'y na naman ako sa ganitong takbo ng buhay ko. Maraming bawal gawin, limitado lang ang mga galaw. Paano ka magiging masaya kung ang lahat ay may limitasyon.

Bumalik ako sa pangatlong klase namin, laking tuwa ko at nakita ko si Sophie. Kaklase ko pa rin siya. Naging maayos naman ang takbo ng sumunod na klase, 'yun nga lang hindi ako makabwelo at makatabi kay Sophie dahil para kasing iniwasan niya ko. Para bang ayaw niya na ko makatabi. Naisip ko mas mabuti na nga rin siguro 'yon. Mas mabuti pang manatili siyang galit sa akin.

Minsan nga lang, habang nagkla-klase ay nahuhuli ko siyang tinitignan ako ng palihim. Naisip ko nahahalata niya kayang pinagmamasdan ko siya o pinagmamasdan niya din ako? Sabi nga nila, hindi mo mahuhuling pinagmamasdan ka ng isang tao kung hindi mo din siya tinitignan. Pareho na nga ba kami ng nararamdaman? Hindi tama ito. May mali sa mga ginawa ko. Hindi ko dapat hinayaang mahulog siya sa akin. Hindi dapat.

Click here for:

No comments:

Post a Comment