Para sa mga taong walang-wala, sa mga taong walang kwenta, sa mga taong wala lang, sa mga taong na wala na,sa mga taong walang takot, walang magawa, walang utang na loob,walaaaaa! Sa madaling salita "Walang Pamagat" walang posisyon, walang trabaho, walang pera, walang K! hehehe wala lahat!Meron k ba? Aq wala hahahaha!

Friday, February 4, 2011

Chapter 6


"Letting Go"

Natapos ang operasyon. Hiyang-hiya ako kay Gene, dahil hindi niya na pala itinuloy ang pagse-celebrate ng kaarawan niya.

"Sa tingin mo makakapagsaya ako sa araw na iyon, kung alam kong nandito ka. Walang malay, tanging ang mga tubo at mga swerong nakakabit lang sa'yo ang nagpapapintig sa puso mo. Sabihin mo Jhed, makukuha ko pa bang maging masaya, kung alam ko na ang taong mahal na mahal ko ay....."sabi ni Gene. Ang mga luha niya ay patuloy na pumatak sa kanyang mga pisngi. Kahit simpleng pagpawi nito ay hindi ko man lang magawa.

"Nahihirapan ka na ba?" tanong ko sa kanya.

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan. Lumapit sa may bintana at malayo ang tingin, naaaninag ko pa rin ang ganda ng mukha niya sa salamin ng bintana. Hindi ko maikakaila sa aking sarili na ang kanyang mga mata ay puno ng lungkot. Walang tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Inantay ko ang kanyang sagot, pinahid niya ang luha sa mga pisngi, nanatili siyang nakatingin sa malayo at nagsalita,

"Jhed, mahal na mahal kita. Sobrang mahal kita. Sa sobrang pagmamahal ko nga sa'yo, hindi ko alam kung paano tatanggapin sa sarili ko ang kalagayan mo. Paano ko tatanggapin na pagdating ng panahon ay iiwanan mo rin ako? Paano ko tatanggapin na ganito na lang tayo palagi? Kelan tayo magsasama ng normal? Na wala dito? Ilang taon na rin tayong nandito? Hindi ka ba nagsasawa, Jhed?"

Sabi nila, "Boys don't cry!" Pero hindi totoo 'yun. Dahil tumulo ang mga luha ko ng mga oras na iyon. Malaki na nga ang sakripisyo sa akin ni Gene, simula highschool hanggang ngayon ay kasama ko siya. Ang laki ng pagkukulang ko sa kanya. Hindi ako nakapagsalita, hinayaan ko na lang na pumatak ang mga luha sa aking mga mata.

Lumapit sa akin si Gene, hinawakan niya ng mahigpit ang aking mga kamay. Umupo siya sa aking tabi. Pinawi niya ang aking mga luha.

"Jhed, sinasama na ako nila mommy sa States." sabi niya sa akin at hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Tumungo siya at pumatak na naman ang luha niya.

Iniangat ko ang kanyang mukha, pinahid ko ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Nanatiling siyang nakatingin sa kung saan.

"Masakit sa akin na makitang naiyak ka. Alam mo ba 'yon?" sabi ko sa kanya. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at niyakap ko din siya ng mahigpit.

Kung maibabalik ko lang ang oras na 'yon ay gagawin ko. Ang sarap ng pakiramdam na may isang taong yumayakap sa'yo ng mahigpit sa kabila ng sakit na nararamdaman mo.

"Jhed? Sabihin mo lang sa akin na h'wag ako  sumama. Sabihin mo lang sa akin na kailangan kong maiwan. Gagawin ko, sasamahan kita. Wala akong paki-alam kung ganito lang tayo, basta masaya tayong dalawang magkasama, 'yon ang mahalaga." sabi niya habang mahigpit ang yakap sa akin, at pumapatak ang luha.

Hinawakan ko ang mga braso niya, at bumitaw ako sa aking pagkakayakap. Hinawakan ko ang malalambot niyang buhok, ang kanyang mapupulang pisngi at malalambot na labi. Nakatingin lamang siya sa akin. Tinignan ko siya at sinabing,

"Mas magiging masaya ka kung sasama ka sa kanila."

Sumagot siya habang namuo muli ang mga luha sa kanyang mga mata,

"Jhed..."

Hinawakan ko ang kanyang mga mata at sinabing,

"Gene, 'di ba sinabi ko sa'yo na masakit sa akin ang makita kang umiiyak."

Inalis niya ang aking mga kamay sa kanyang mga mata, pagkatapos ay tinakpan niya ang kanyang mukha ng kanyang dalawang mga kamay at nagsalita,

"Sa tuwing iiyak ako, ganito ang gagawin ko para hindi mo ako makita, para hindi ka masaktan."

Dali-dali kong inalis ang mga kamay niya sa kanyang mukha. Pinipigilan niya ito. Wala akong lakas para labanan siya. Hinayaan ko na lang siya.

"Gene, mahal kita. Sa tingin mo ba makakaya ko na sa tuwing nalulungkot ka ay itatago mo sa akin, sa halip na dapat ay sa tuwing malulungkot ka ay dapat sa akin ka naiyak." sabi ko sa kanya.

Tinanggal niya ang mga kamay niya sa kanyang mukha. Nakita ko ang mga mata niya na namumugto sa pag-iyak. Tinignan niya lang ako.

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at sinabing,

"Sobrang mahal kita, at ayokong nakikita kang nasasaktan. Ang mga kamay na 'to ay dapat ginagamit mo para hawakan ang mga taong mahahalaga sa'yo. Hindi mo dapat 'to ginagamit sa pagpahid ng luha. Hayaan mo ang taong mahalaga sa'yo ang magpahid ng luha mo."

Niyakap niya ako ng mahigpit at ganon din ako sa kanya. Masakit para sa akin na pakawalan ang taong nagsisilbing liwanag sa madilim kong buhay, pero kung nakikita ko naman siyang nasasaktan habang nasa piling ko ay mas mabuti pang maglakad sa dilim na walang makita. Hindi na baling ako ang madapa at masaktan, huwag lang siya.

"Sumama ka sa kanila Gene, 'yun ang mas makakabuti sa'yo. Kailangan na natin sanayin ang sarili natin na hindi tayo magkasama, para kung masasaktan tayo ay hindi na ganon kasakit at kaya na agad gamutin ng iba. Sabi nga nila dito prevention is better than cure, diba?" sabi ko sa kanya, habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Hinawakan ni Gene ang aking mga kamay, at nagsalita,

"Aalis ako, pero tandaan mo, hindi kita iiwanan. Promise me, that you will fight! Pangako mo na makakarecover ka, I hope sa pagbalik ko e, mas malakas kana." sabi niya sa akin at muli niya akong niyakap.

I have learned that letting go is not that painful. Lalo na kung maayos niyong napag-usapan.

Sabi nga ng kanta, "Every new beginning comes on every beginnings end."

Makalipas ang anim na buwan ay nakarecover ako sa operasyon. Tulad pa rin ng dati, maraming bawal, at dapat lagi akong may supply ng tubig. Medyo bumalik ang normal sa lahat. Tinigil ko na rin ang komunikasyon ko kay Gene. Mas gusto ko nang nag-iisa. Naging mahilig ako sa mga bagay na kulay itim. Ewan ko ba, nagpahikaw na rin ako sa dila, at sa tenga. Naging astig sa paningin ko 'yung mga nakikita ko sa internet na looks. 'Yung tipong sa pananamit mo ilalabas ang lahat ng nararamdaman mo. Masarap pala sa pakiramdam ang ganun.

Dumating ang bagong school year. Gusto kong gawin normal ang lahat, kaya pumasok ako sa isang University. Pinangako ko sa sarili ko na magsasaya lamang ako. Hindi ako mananakit ng damdamin ng iba at ganun din sa sarili ko. Pero nagkamali ako, nang makita at makilala ko si Sophie ay nagiba ang takbo ng pananaw ko sa buhay.

Salamat at nakilala ko siya.

Click here for:

No comments:

Post a Comment