Para sa mga taong walang-wala, sa mga taong walang kwenta, sa mga taong wala lang, sa mga taong na wala na,sa mga taong walang takot, walang magawa, walang utang na loob,walaaaaa! Sa madaling salita "Walang Pamagat" walang posisyon, walang trabaho, walang pera, walang K! hehehe wala lahat!Meron k ba? Aq wala hahahaha!

Friday, February 4, 2011

Chapter 5

The Truth
(From Boundary: The Lie)


Malakas ang buhos ng ulan sa labas, medyo iba na rin ang pakiramdam ko. Sabi ni Karen ay may sinat daw ako, sabi ko naman wala. Wala. Pinipilit kong wala! Ayaw ako papasukin ni mama dahil baka kung ano daw ang mangyari. Pinilit ko sila. At wala silang nagawa.

Hinatid ako ni Mang Edgar, ni-request ko na gamitin yung itim na kotse kasi 
paborito ko 'yun sakyan. Hindi ko alam kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko. Ang sarap pakinggan ng pag-buhos ng ulan at pagtunog ng kulog. Sabayan pa ng mabilis na patakbo ng kotse ni Mang Edgar. 

Nasa university na ko ng makita ko si Sophie, nasa guard house. Inaantay ata ang pagtila ng ulan. Bababa sana ako sa kinatatayuan niya, kaso napakabilis talaga magpatakbo ng sasakyan ni Mang Edgar, muntik ko na nga siyang masigawan ng madaanan namin si Sophie. Sa sobrang bilis niya, e muntik niya pa atang matalsikan ng putik si Sophie. Sana ayos lang siya.

Sa kabilang kanto ako nagpababa. Tanaw na tanaw ko si Sophie, mula sa kinatatayuan ko.

"Jhed, anong oras ko po kayo susunduin?" Tanong ni Mang Edgar.

Hindi ako sumagot. Nakita ni Mang Edgar na malayo ang tingin ko. Ngumiti lamang siya.

"Jhed, eto payong. Puntahan mo na yung tinitignan mo at ihatid mo na sa klase. Sige na." Sabi niya sa akin, habang inaabot ang payong.

Sumagot ako, "Mang Edgar, salamat! Pero mas matinik ako sa inyo. May mas malupit akong diskarte." Nginitian ko siya, at sinugod ko ang ulan at tinaklob ko ang jacket sa aking ulo. Wala nang nagawa pa si Mang Edgar.

Nang sumilong ako sa kabilang kanto at tinanaw ko ang sasakyan, ay umalis na ito. At pagtingin ko sa guard house ay wala na rin si Sophie. Anak ng teteng.

Hinanap ko siya, at laking gulat ko ng makita ko siya sa likod ng guard house at nagsasayaw. Hindi ko maunawaan ang kanyang ginagawa, para siyang sumasayaw na pang-Ifugao. Nagco-close - open ang mga kamay at minsa'y tumataas pa ang paa.  Nagtago ako sa isang sulok at pinagmasdan ko lang siya. Nakakatuwa siyang panoorin. Ang sarap niyang pagmasdan.

Makalipas ang ilang minuto ay tinigil niya ang pagsasayaw, huminga siya ng malalim at hinawi ang mahabang buhok na tumataklob sa kanyang mukha. Para akong nasa Cloud 9, nang makita kong ginawa niya 'yun.

Sinundan ko siya, at laking gulat ko nang sinugod niya ang ulan. Late na pala kami. Nang sumilong siya sa isang puno, ay pinuntahan ko na rin siya na kunwari ay noong oras ko pa lang na iyon siya nakita.

"Hi, late na tayo!" bungad ko sa kanya habang nakasaklob sa aking ulo ang jacket ko. Ngumiti lang siya sa akin, at iyon ang pinakamagandang ngiting naibigay niya sa akin.

"Tara na!" sabi ko. Hinila ko siya, itinalukbong ko ang dala kong jacket sa aming dalawa. At sinugod namin ang ulan. Sa aming pagtakbo, ay parang gusto kong itigil ang ikot ng mundo. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang mga braso. Napakasaya ko ng mga oras na iyon. Para lamang kaming naglalaro sa patak ng ulan.

I just realize that staying with someone you really like even you know that you can't be together is like walking under the rain, it feels good but then you know it will make you sick.

Huminto kami sa tapat ng library at nagpahinga ng sandali. Bigla akong nanghina, saya, pagod, hingal, panghihinayang, at pananabik ang sabay-sabay kong naramdaman. Hindi ata kinaya ng puso ko ang ganong pakiramdam. Hinahabol ko na ang hinga ko, ang hirap. Basang-basa pa ako ng ulan.

Nagpaalam ako kay Sophie, at sinabing may kukunin ako sa loob ng library. Sinubukan kong magpahinga sandali, pero hindi ko na kaya, bumibigay na pati ang mga mata ko, gusto nang pumikit. Lumapit ako sa librarian, medyo nahimasmasan ako ng kaunti sa aking pagpapahinga. Kinausap ko siya at nanghiram ng payong para kay Sophie. Sa pag-alis ng librarian ay tinawagan ko na ang mama ko, dahil hindi ko na talaga kaya. Konti na lang at bibigay na ako. Sa pagbalik ng librarian ay hindi ko na nagawang kunin pa ang payong,

"Nasa labas po siya, pakibigay na lang po, kay Sophie." ang huling nasabi ko at dali-dali na kong umalis.

Ang sakit para sa akin, na sa gitna ng kasiyahan naramdaman ko ay bigla biglang mapuputol. Hindi man lang ako nakapag paalam ng maayos kay Sophie. Ganon ba talaga ang buhay? Kapag may saya, may kapalit agad na kalungkutan. Kailangan ko na lang ba na tanggapin ang takbo ng buhay ko. Sabagay, kahit ano ang gawin ko, wala na akong magagawa. Ganito na lang talaga. Tama si Sophie, life is a matter of acceptance.

Click here for:

No comments:

Post a Comment