Para sa mga taong walang-wala, sa mga taong walang kwenta, sa mga taong wala lang, sa mga taong na wala na,sa mga taong walang takot, walang magawa, walang utang na loob,walaaaaa! Sa madaling salita "Walang Pamagat" walang posisyon, walang trabaho, walang pera, walang K! hehehe wala lahat!Meron k ba? Aq wala hahahaha!

Thursday, January 27, 2011

Boundary: Chapter Five

"Candle"

Ilang araw pa ang lumipas at hindi pumasok si Jhed. Hindi alam ng mga kaklase namin kung saan siya nakatira. Loner kasi si Jhed minsan. Sinubukan ko ng itanong ang kanilang address sa school pero ayaw naman nilang magbigay ng information. Sa tuwing tinatanong nila ako kung bakit ko kinukuha ay wala naman akong mabigay na maayos na rason, mas lalo na kapag tinatanong nila ako kung kaanu-ano ko ba daw si Jhed, ngiti lang ang nasasagot ko.

Hindi kumpleto ang araw ko sa klase 'pag wala siya. Nakakatamad pumasok, walang gana. Minsan nga parang nagiging loner na din ako. Naaalaa ko 'yung mga kakulitan niya, na kapag inaantok ako sa klase eh binabato niya ko ng papel sa mukha at tatapakan ko naman ang paa niya hanggang sa mahuli na kami ni Ms. Mendoza sa kakulitan namin. Siguro nga, may iba na akong nararamdaman para sa kanya, pero hindi ko lang alam kung ano naman ang tingin niya sa akin. Mahirap lumugar sa buhay ng isang tao kung hindi mo alam kung saan ka niya inilugar. Basta ang alam ko mahal ko na siya, wala na akong pakialam kung ano man ang tingin niya sa akin. Kailngan ko na siyang makita, kailangan ko siyang makausap. Kailangan niyang malaman. At wala akong paki-alam kung ako ang magsasabi. Falling inlove with him is the thing I did not expected and loving him is the thing I could not stop, even if I tried.

"Excuse me, Ms. Mendoza?" animoy boses ng anghel ang narinig ko. Nang makita ko ang nagsalita ay isang babae ang bumungad sa amin. Ang mga kaklase kong lalaki ay agad nagbulong-bulongan.

"'Yan ata ang girlfriend ni Jhed, pare. Ang ganda no?" sabi ng isa kong kaklase. "Ganda nga, pare! Silent killer pala to si Jhed!" sagot nung isa.Nang marinig ko yon ay parang nagpantig ang aking mga tenga at hindi ko napilitang sumabat sa kanilang usapan."Pano kayo nakakasigurado kung girlfriend nga yan ni Jhed? Sinabi ba niya sa inyo? Malay niyo, kapatid, pinsan, kaibigan o malayong kamag-anak! Atsaka hindi naman siya masyadong maganda!" 

Sumagot ang kaklase ko na tumayo pa at tumabi sa aking upuan, ginaya pa ang aking upo, "Eh, bakit parang galit ka Sophia! Bakit? Nagseselos ka ba? Syota mo ba si Jhed? Kayo ba ni Jhed?" tanong niya gaya-gaya ang tono ng pananalita ko. Natameme ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Lalo pa akong naubusan ng sasabihin ng makita ko ang babae iyon na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko, maya-maya ay ngumiti siya sa akin. Hindi ko sinuklian ang kanyang ngiti kundi isang tingin na parang nagsasabi na kilala ba kita! Nagkakantyawan na sa loob ng klase, kaya inalok na lang ni Ms. Mendoza na pumunta sa faculty ang babae. Himala at hindi nagalit si Mam sa amin, kahit na halos lahat ng lalaki ay umaarte na parang inuuubo at may sakit.

"Mam, inuubo po ako pede niyo po ba akong ipagamot sa bisita niyo!" sabi ng isa, sabay ubo ulit at tawa. "
Tirador pala ng Nursing Student si Jhed." sabi nung isa.

Habang nagkakasiyahan sila, ako naman ay parang kandila na nauupos sa aking kinauupuan.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na din agad si Mam.

"Mam? Ano po ang nangyari sa inyo?" tanong ng isa kong kaklase.

Habang pinupunasan ni mam ang kanyang salamin ay sumagot ito, "Biglang lumakas ang hangin pagpasok ko, at ang daming alikabok sa koridor, pumasok lahat sa mga mata ko. Napuwing ako!" Ang iba ay pinigilan ang mga tawa, ang iba naman ay nagbulong-bulongan, "Buti nga! Nakabawi din tayo!"

"Kaya pala mapula mam, ang mga mata niyo." sabi ng isa ko pang kaklase, at nag-dirty finger pagtalikod nito. Natawa kaming lahat, pinigilan lang namin. Pero ang saya na naramdaman ko ay biglang nawala na parang bula,

"By the way class, Jhed Serrano will not attend my class anymore. Kinuha na siya ng parents niya from states dun na daw ipagpapatuloy ang pag-aaral niya. Which is good for him." sabi niya at bumalik sa kanyang mesa at nagpatuloy ng klase.

Sa narinig ko, ang daming katanungan ang pumasok sa isip ko? Una, bakit hindi nagpaalam si Jhed sa akin? Pangalawa, bakit hindi niya sinabi na may nagmamay-ari na ng puso niya? Pangatlo, Paano na ako?" Pakiramdam ko ay magkakasakit ako, parang tumigil sa pagpintig ang puso ko. Ang sakit. Kung kelan handa na akong sabihin kung ano ang nararamdaman ko saka ko naman malalaman ang lahat ng ito. Kung isang kandila akong nauupos kanina ngayon isa na kong kandila na walang sindi, walang liwanag.

Ang sarap ng hangin sa lugar na kinatatayuan ko ngayon. Wala ni kahit na sinong tao. Tanging ako lang, ang hangin, ang mga damo sa paligid. Kitang-kita ko ang pagitan ng langit, dagat, at lupa. Ramdam na ramdam ko ang hangin na dumadampi sa aking mga mukha, sa aking buong katawan. Itinaas ko ang aking mga kamay. Ang pakiramdam ko ako ay lumilipad. Hindi ko alam kung nasaan ako at ayoko ng lisanin ang lugar na ito. Kung ako ay nananaginip ay ayoko ng magising. Habang dinadama ko ang ihip na hangin ay may natanaw ako, isang taong alam kong matagal ko nang inaantay. Habang umiihip ang hangin ay unti-unti namang lumiliwanag ang kanyang katauhan. Sobrang layo niya sa akin. Gusto kong lumapit ngunit nasa hangganan ako ng pagitan ng langit, dagat at lupa. Gusto ko siyang lapitan ngunit paano. Hindi ko magawang lumapit dahil walang daan. Ngunit kung walang daan, paano siya nakapunta sa kabilang dulo. There is no bundary betwen the two of us. Kailangan ko lang malaman kung paano at saan ang patungo sa kanya. At kung ang tanging paraan ay tumalon mula sa aking kinatatayuan ay gagawin ko, makapiling ko lang siya.

Isang malakas na ingay ang bumasag sa katahimikan.

No comments:

Post a Comment