Para sa mga taong walang-wala, sa mga taong walang kwenta, sa mga taong wala lang, sa mga taong na wala na,sa mga taong walang takot, walang magawa, walang utang na loob,walaaaaa! Sa madaling salita "Walang Pamagat" walang posisyon, walang trabaho, walang pera, walang K! hehehe wala lahat!Meron k ba? Aq wala hahahaha!

Thursday, January 27, 2011

Boundary: Chapter Four

"The Lie"

"Sophie," tawag ni Jhed.

"S-O-P-H-I-A! SOPHIA!!! It's not Sophie!!! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo 'yan! Jhed!" ang sabi ko.

Sumagot siya, "Mas komportable akong tawagin kang Sophie saka....." 

"Kung komportable ka ako hindi!" sabi ko.Tinignan niya lang ako. "..pero dahil close na tayo, sige Okay lang." Patuloy ko.

Ngumiti siya. Tumayo siya sa aming inuupuan at sinabing, "Alam mo, ayoko ng nagkakaroon ng taong malapit sa akin bukod sa pamilya ko kasi takot ako masaktan."

Nagulat ako sa kanyang naging reaksyon at hindi ko naiwasang magtanong kung bakit. Humarap siya sa akin at lumapit, "Sophie? Ayos lang ba sa'yo kung masasaktan ka?" tanong niya.

Nag-isip ako, at tinignan ko siya, "Sino ba naman ang gustong masaktan sa mundong ito. Syempre, ayoko!" sagot ko.

Sumagot siya agad, "Edi, sinagot mo rin 'yung tanong mo sa akin, kung bakit ayokong masaktan. Kung ayaw mo, symepre ayaw ko din!"

Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang sabihin. Minsan nga sa sobrang lalim niya, pakiramdam ko nalulunod na ko. Natameme na lang ako at inisip kung ano nga ba ang nasabi ko. Naglakad-lakad kami at nagkwentuhan ng bigla siyang nagtanong,

"Am I weird?" 

Tumigil ako sa paglalakad at tinignan ko siya, "Yes you are!" sagot ko. Nagpatuloy siya sa paglalakad at iniwan ako sa aking kinatatayuan,

"I'm sorry!" sabi niya.

"You don't have to say sorry. That's what you are, siguro talagang may mga tao lang sa mundo na katulad  mo. EMO!!!! " Inunahan ko siya sa paglalakad. Humarap ako sa kanya at sinabing "Rock and Roll!!" Tumawa siya. 

Habang tumatakbo ang araw, naging mas malapit kami. Marami akong tanong na gustong itanong sa kanya, pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Kapag kasama ko siya, nawawala lahat ng bumabagabag sa isip ko, masaya ako kapag kasama ko siya. At dahil sa kakaisip ko sa kanya, eto, tinanghali ako ng gising. AYOKONG MAG-SUMMER CLASS!

Dali-dali akong umalis ng bahay. At hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ko ng panahon. Umalis ako na maganda ang sikat ng araw, at hindi ko alam kung galit ba sakin ang mundo, dahil pagdating ko sa University ay biglang dumilim ang langit. At hindi nagtagal ay bumuhos na nga ang ulan. Parang gustong kong sabayan ng pag-iyak ang buhos nito. Hindi ko alam kung paano ako pupunta sa aming klase, walang nadaang sasakyan, at lalo akong mala-late kung aantayin ko pa. At bad trip yung isang kotse, ang bilis magmaneho muntik na kong matalsikan ng putik. Buti na lang nakaiwas ako.

May naisip ako, nagpunta ako sa likod ng guard house, luminga-linga at ng nasigurado kong walang tao....


...nag "sun dance" ako. Mga tatlong beses ko ginawa iyon..



Pero...



..sa ginawa ko, lalong lumakas ang buhos ng ulan. Nasayang lang ang oras ko. Sinugod ko na lang ang ulan tutal medyo malapit lang naman ang building ng aming klase. Nagpalipat-lipat ako sa silong ng mga puno at laking gulat ko ng makita ko si Jhed at papalapit din sa aking kinatatayuan.

"Hi, late na tayo!" bungad niya sa akin habang nakasaklob ang kanyang jacket sa kanyang ulo. Ngumiti lang ako, para kasing nag-iba ang pakiramdam ko nung makita ko siya.

"Tara na!" sabi niya. Hinila niya ako, itinalukbong niya ang dalang jacket sa aming dalawa. At sinugod namin ang ulan. Sa aming pagtakbo, tanging pintig ng puso ko ang naririnig ko. Hindi ko pansin ang buhos ng ulan. Kung maari nga lang sana na lakarin na lang namin at huwag tumakbo para bumagal ang oras ay hiniling ko na. Huminto kami sa tapat ng library at nagpahinga ng sandali.  Pumasok sa loob ng library si Jhed at may kukunin lang daw siya. Hindi na ako sumama dahil medyo basa na din ako. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ang librarian.

"Hi, Ikaw ba si Sophie?" tanong niya.

"Sophia po ang pangalan ko mam." ang sagot ko.

Nagtaka siya, at sinabing "Huh? eh, wala ka bang nakitang ibang babae dito. Nakisuyo kasi yung isang estudyante na ibigay ko daw tong payong dun sa Sophie. Ang sabi niya ay andito lang daw sa labas."

Naalala ko si Jhed. "Nasaan na po siya?" tanong ko habang nakatingin sa loob ng library at hinanap siya.

"Umalis na! Nanghiram siya ng payong sa akin, tapos nung kinuha ko yung payong e pagbalik ko nagmamadali na siya at may kausap sa cellphone. Parang may emergency. Basang - basa pa naman ang bata." sabi ng librarian habang hawak-hawak ang payong at naghahanap ng ibang tao doon.

Nagtanong ako, "Hindi po ba niya sinabi kung saan siya pupunta?"

Lumapit sa aking librarian at inabot ang payong, "Sophie o Sophia, o kung ano man kunin mo na 'tong payong, isoli mo na lang sakin bago magtanghali. Kung may problema kayong dalawa ng nobyo mo, pag-usapan niyo na lang 'yan. Baka naman talagang may importanteng gagawin. Sige na, umalis ka na habang mahina pa ang tila ng ulan."

Natulala ako sa sinabi niya, "boyfriend." Natawa lang ako, at hindi na umimik. Umalis na ako bago lumakas ang buhos ng ulan. Habang naglalakad ay 'di mawala sa isip ko ang sinabi ng librarian, natatawa lang talaga ako. Inisip ko na sana nasa room si Jhed at ginud time lang ako.

Pagdating ko ng klase ang mga tao ay animo'y parang mga daga na kapag wala ang pusa ay nagsasaya. Wala si Mam. Nasa meeting daw. Agad kong tinignan ang upuan ni Jhed, hiniling ko na sana ay nandun siya, pero kahit anino niya ay hindi ko nakita. Nakakatuwa nga at sa ilang buwan naming pagkakasama eh hindi ko man lang alam ang cellphone number niya, hindi ko tuloy alam kung paano ko siya makokontak.

Lumipas ang tatlong araw at hindi pumasok si Jhed, ang sabi sa 'kin ng tropa niya, may isang babae daw na pumunta sa campus noong nakaraang araw, pinasabi daw na hindi pa makakapasok si Jhed dahil may kailangan daw ayusin. Ang usap-usapan sa campus e, syota daw ni Jhed yun na galing ibang bansa, may nagsabing kapatid, pinsan kaibigan at kung anu-ano pa! Kung sino man siya, ayokong alamin, dahil nang nalaman ko ang balitang iyon ay may kung anong bagay na bumaon sa puso ko, na para bang pinigil ang pagtibok nito.

I hope he is okay. I hope he did not hide anything to me. Sana hindi kasingungalingan ang Jhed na nakilala ko.

No comments:

Post a Comment