Para sa mga taong walang-wala, sa mga taong walang kwenta, sa mga taong wala lang, sa mga taong na wala na,sa mga taong walang takot, walang magawa, walang utang na loob,walaaaaa! Sa madaling salita "Walang Pamagat" walang posisyon, walang trabaho, walang pera, walang K! hehehe wala lahat!Meron k ba? Aq wala hahahaha!

Thursday, January 27, 2011

Boundary: Chapter Seven

"Meeting the Boundary"






Dali-dali kaming pumasok sa loob ng kwarto ni Jhed. At sa aming pagpasok ay pagluha ng aming mga mata ang aming nagawa.






********
Ang masilayan si Sophie sa mga huling sandali ay ang pinakamagandang bagay na nakita ng aking mga mata. Sa kanyang pag-alis ay binuksan ko ang sulat na kanyang ibinigay sa akin. Ang akala niya ay nakaalis na ako papuntang states.

"Jhed,

I just want you to know that I Love You. At sa'yong pag-alis ay gusto kong malaman mo na tanggap ko ang iyong desisyon. Alam ko na ang pag-alis mo ay ang iyong ikasasaya. I just want you to remember, that you will always have a special place in my heart. Kung nasaan ka man ngayon sana ay maging masaya ka. I love you.

Sophie"

Naging magaan ang pakiramdam ko ng mabasa ang sulat ni Sophie. Dumulas sa aking mahihinang kamay ang sulat niya. Pinikit ko ang aking mata. Bumalot ang dilim sa buong paligid. And I'm ready to take my journey now, beyond the boundary.



********
Pinulot ni Karen, ang nalaglag na sulat sa sahig, akala niya ay nagpahinga lang ang kanyang pasyente. Hindi sinasadya ay nabasa niya ang sulat. Tinignan niya ang walang malay na pasyente. Makalipas ang ilang segundo ng katahimikan ay tanging nasambit niya lang ay, "Makakapagpahinga na rin po kayo Sir Jhed." tumulo ang luha sa kanyang mga mata at tinawag niya na ang Mama nito at si Sophia.




********

"Breaking Boundaries"

Your comments will be so much appreciated.
Visit:
and please leave a comment.
You can also leave a comment here.
Thank you.

Rhed.

No comments:

Post a Comment