Para sa mga taong walang-wala, sa mga taong walang kwenta, sa mga taong wala lang, sa mga taong na wala na,sa mga taong walang takot, walang magawa, walang utang na loob,walaaaaa! Sa madaling salita "Walang Pamagat" walang posisyon, walang trabaho, walang pera, walang K! hehehe wala lahat!Meron k ba? Aq wala hahahaha!

Thursday, January 27, 2011

Boundary: Chapter Six

"The Questions"

"Sophia! Sophia! Sophia!" tawag ng mama ko."Anak, ano ang nangyari sayo! Buksan mo ang pinto! Sophia!" Sigaw ng mama ko habang kinakalampag ang pintuan ng aking kwarto.

Ang sakit ng likod ko. Nalaglag ako sa aking kama. Nanaginip na naman ako.

"Anak! Ayos ko lang ba?" Tanong ng mama ko. Sumagot ako agad, habang pabalik sa aking higaan.

"Ayos lang po ako, ma! Nalaglag lang po ako sa kama. Tulog po muna ulit ako!"

Tumawa siya, "Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo. Sige, maaga pa naman. Matulog ka muna ulit!" sabi niya.

Habang binabawi ko ang aking antok, ay hindi ko makalimutan ang aking panaginip. Hindi ko alam na tumulo na pala ang luha ko. Naalala ko si Jhed. Gusto ko siyang makausap. Tumayo ako at umisip ng paraan kung paano ko siya makakausap.

"Sophia, si Karen to? Busy ka ba? Pede ba tayong magkita?" isang mensahe ang natanggap ko. Wala akong kilala na Karen. Kaya hindi ko ito pinansin Nagpatuloy ako sa pagsusulat. Makalipas ang ilang minuto. Nagtext muli siya,

"Gagawin ko to para kay Jhed, Sophia. Pede ba tayo mag-usap?" Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko nung sinabi niya na para kay Jhed ang dahilan. Hindi na ko nag-usisa pa,  pumayag agad akong makipagkita sa kanya.

Nagkita kami ni Karen. Siya pala yung babaeng nagpunta sa skul na kinausap ni Ms. Mendoza. Hindi ko na sinayang ang oras, tinanong ko siya kung nasaan si Jhed. Tumingin siya sa akin ng walang reaksyon, 
"Antayin na lang natin yung mommy niya, parating na 'yon." Gulong-gulo ako sa kanyang sagot, halo-halong emosyon ang aking naramdaman.

Takot at kaba. Dahil bakit kailangan ang mama pa ni Jhed ang kumausap sa akin. Saya. Dahil sa mga oras na ito ay nabuhayan ako ng pag-asa na maari pang andito si Jhed. Maaari ko pa siyang makita.

Nagtanong ulit ako. "Akala ko ba, nasa states ang mama niya, at akala ko kinuha na.." pinutol ni Karen ang aking pagsasalita.

"Andyan na ang Mama ni Jhed." Nang makita ko ang mama ni Jhed, ay ngiti ang isinalubong nito sa akin, napakaganda ng mama niya.

"Siya po si Sophia." sabi ni Karen.

"Nice meeting you, mam." Ang sabi ko. Ngumiti lamang siya at ibinaling ang atensyon kay Karen.

"Mauna ka na sa bahay, andyan na ang sasakyan sa labas, inaantay ka na ni Jhed." Malumanay na sabi niya kay Karen. Tumango lamang ito at ngumiti sa kanya.

Hindi ko na siya tinignan dahil namuo na ang luha sa aking mga mata. Hindi ko na napigilan ang lumuha. Ang sakit na malaman na ang taong matagal mo nang inaantay ay hindi pala ikaw ang kailangan. Hinawakan ng mama ni Jhed ang aking mga kamay, at sinabing,

"Sophia, do you remember what you told Jhed?" Hindi ako nakasagot at tumulo lang ang luha sa aking mga mata.

"You told Jhed that life is a matter of acceptance. You thought him how to accept things so that he could be happy. And he did it. He did it for you, and now, Jhed will tell you the same thing, to accept all the things that is happening now, and you should not ask why." Niyakap niya ako nang mahigpit at patuloy na tumulo ang aking mga luha. Kinausap ako ng mama ni Jhed.

Naisip ko na mahirap talagang tanggapin ang isang bagay na magiging dahilan ng sugat sa iyong puso. Tama nga si Jhed, "Life Sucks!" Walang pedeng mag-kontrol sa ating buhay. Kahit anong ganda ng patakbo mo sa buhay, kung lubak-lubak naman ang daan, wala ka ding mahihita. Masasaktan at masasaktan ka pa din. We should just enjoy the ride no matter what the road is. Because for us to be happy it doesn't mean that we should accept everything. It's true that life is a matter of acceptance, but to be happy is a choice. Tulad ng ginawa ni Jhed, he chose to be happy. At kung nasaan man siya ngayon sana ay masaya siya.

Sa huling pagkakataon ay hiniling ko na sana ay makita ko si Jhed, pumayag naman ang kanyang mama. 

Nang makita ko siya ay namuo ang aking mga luha sa mata, ayokong makita niya na nasasaktan ako. Ayoko niya akong makitang naluha. Kailangan kong ipakita sa kanya na tanggap ko na ang lahat, at hindi niya ako dapat isipin. Andun si Karen, sa kanyang tabi. Ngumiti ito sa akin. Nginitian ko din siya. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, nakatingin lang sa akin si Jhed. Sa kanyang pagtingin ay hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Nagsalita siya ng malumanay,

"Sophie. Naaalala mo pa ba nung tinanong kita kung ayos lang ba sa'yo kung masasaktan ka?"

Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata, tumango lang ako.

"Sumagot ka, sabi mo ayaw mong masaktan." Naramdaman ko sa kanyang boses na pinipigilan niya rin ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ko nung oras na 'yun, gusto ko siyang yakapin pero sobrang bigat ng pakiramdam ko, kung maari nga lang na pigilan ko na ang pagtibok ng puso ko ay ginawa ko na.

"Ayaw kitang masaktan, kaya hindi ko sinabi sa'yo. Ayaw kitang masaktan kaya hindi ko hinayaan na mahalin mo ako. Ayaw kitang masaktan dahil mahal kita." Tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata, lumapit ako at niyakap ko siya nang mahigpit.

"Ikaw lang ang inaantay ko, Sophie! Mahal na mahal kita pero alam ko na hanggang dito lang itong nararamdaman ko." Mahigpit din ang mga yakap niya sa akin. Sa pagyakap niya ay nakakuha ako ng lakas para makapagsalita,

"Alam kong mas nahihirapan ka. Naiintidihan ko kung bakit hindi mo sinabi sa akin. Huwag kang mag-alala at tanggap ko na. Mas naiintindihan na kita ngayon." Binulong ko sa kanyang mga tenga. Mahigpit na yakap ang kanyang mga sagot. Kitang-kita ko sa kanya na nahihirapan siya sa kanyang sitwasyon, at hindi ko kayang nakikita siya ng ganon. Minabuti ko na rin na umalis para makapagpahinga siya. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Wala nang bumabagabag sa aking isip. At alam kong malalampasan ko ang sakit na ito. Bago ako umalis, ay inabot ko ang sulat na ginawa ko sa kanya kanina bago makipagkita kay Karen. Tinanggap niya ito ng may mga ngiti sa mata. Mabigat sa akin ang pag-alis ngunit iyon ang tama at isa ito sa paraan ng pagtanggap. Iniwan ko silang dalawa sa loob ni Karen. May mga saya sa tinig ni Jhed sa aking pag-alis,

"Mag-iingat ka lagi, Sophie!".

Lumingon ako, "Sophia! Jhed!" ang pabiro kong sabi. Naghiwalay kami na may mga ngiti sa mata.

Sa aking paglabas ay nakita ko ang mama ni Jhed, inaantay niya pala akong lumabas. Niyakap niya ako ng mahigpit at nagpasalamat.

"Binigyan mo ng kulay ang buhay ng anak ko. Maraming salamat, Sophia!" bulong niya sa aking mga tenga. Niyakap ko din siya ng mahigpit.

Makalipas ang ilang minuto, ay biglang lumabas si Karen sa labas ng kwarto. Tarantang-taranta ito at nagsabing,

"MAM! Si Jhed!!!"

No comments:

Post a Comment