"Serendipity"
Nagulat ako sa kanyang ikinilos. Para siyang isang leon na biglang naging kuting. Tinignan ko lang ang kamay niya. I asked him,"How did you know my name?"
Ngumiti lang siya. "Naniniwala ka ba sa soulmate. Sabi kasi dati noong nagpahula ako "Sophia" daw ang pangalan ng soulmate ko. Noong tinanong ko siya kung paano ko malalaman na si "Sophia" na ang nasa harapan ko, mararamdaman ko na lang daw 'yon. At alam ko ikaw na 'yon." paliwanag niya.
Korny. Ano tingin niya sa 'kin maniniwala ako?
"Naniniwala ka ba sa Reincarnation?" tanong ko naman.
Sumagot siya agad ng "Oo!" at umupo. Nilapit niya ang kanyang upuan sa akin at parang interasadong-interasado sa sasabihin ko.
"Sabi kasi sa 'kin ng kapitbahay naming na reincarnate eh kilala niya daw kung sino ako 100 years ago. Sabi niya isa daw akong prinsesa at mahilig daw ako sa mga aso. At may aso daw akong paboritong-paborito..."
Nanatili siyang nakatingin sa akin at nakikinig.
"Sabi niya makikita ko daw ulit ang asong iyon, sa ibang katauhan. Tinanong ko siya kung paano ko siya makikilala. Sabi niya, dahil aso nga daw, kusa daw lalapit sa akin iyon at magpapakilala." Ngumiti ako, at nagpatuloy. "Sabi niya, Jhed daw ang pangalan ng aso, and I think I already met him!" Tinaasan ko siya ng kilay at tinulak papalayo sa akin.
"Alam ko na nakasulat sa damit ko ang pangalan ko. I'm not a slut!" sabi ko.
Wala siyang ibang reaksyon, inayos niya ang kanyang upuan at kinausap ang lalaking nasa kabilang gilid niya. Tinalukuran niya ako. Tumayo ako at umalis. Humanap ako ng ibang upuan. At kung maaari ko lang ibalik ang oras hindi ko gagawin ang pag-alis, kasi nga, wala ng bakante. I have no choice but to go back.
"O, bakit ka bumalik?" tanong niya.
Hindi ako sumagot.
"Bumalik ka, kasi namiss mo agad ako." sabi niya, sabay kindat.
Sumagot agad ako. "You wish!" Sa kanyang pagkindat eh parang may kung ano akong naramdam. Lalo ata akong nainis. Ewan ko ba. Binaling ko ang tingin sa ibang direksyon at maya-maya din ay dumating na si Ms. Mendoza, biglang nagpaalam si Jhed sa kanya at lumabas. At another 100 years ang lumipas.
Matapos ang klase namin sa Group Dynamics ay hindi na kami muling nagkatabi. Sinisigurado ko na malayo ako sa kanya. Pero hindi na naman ako naiirita o naiinis. Sa gitna ng klase namin, minsan ay palihim ko siyang tinitignan. Wala lang 'yon sa akin , gusto ko lang malaman kung tinitignan niya rin ako...
Nagpatuloy ang araw ko sa University. Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. At hindi ko nga lang alam kung bakit sa lahat ng subject ay kasama ko ang asungot. Natapos ang first week ko sa University, dumeretso agad ako sa bahay, sa aking kwarto, naghilamos, nagpalit ng damit, nahiga sa kama at natulog.
Ginising ako ng mama ko, alas-9 ng gabi. May bisita daw ako. Tinanong ko kung kilala niya, hindi daw at nakalimutan niyang tanungin ang pangalan.Kakaiba rin ito si mama, pano pala kung magnanakaw 'yon papapasukin niya na lang bigla. Bagong lipat lang kami at wala naman akong inaasahang bisita. Wala pa naman sa mga kaklase ko ang nakakalam ng aming bahay. Nag-ayos ako at nagpalit ng damit. Iniisip ko pa rin kung sino ang nag-aantay sa akin. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba ako. Nang makita ko siya ay tumigil ang ikot ng mundo ko.
No comments:
Post a Comment