Para sa mga taong walang-wala, sa mga taong walang kwenta, sa mga taong wala lang, sa mga taong na wala na,sa mga taong walang takot, walang magawa, walang utang na loob,walaaaaa! Sa madaling salita "Walang Pamagat" walang posisyon, walang trabaho, walang pera, walang K! hehehe wala lahat!Meron k ba? Aq wala hahahaha!

Tuesday, January 4, 2011

Wala Na Namang Pamagat

Tuwing bagong taon pare-pareho pa din ang balita. Naputukan si ano, nagpaputok sila Mang Kwan at kung anu ano pa! Tapos isusugod sa government hospital ang mga hangal at ayon, bulls eye! Sa kanila mapupunta ang mga binayad nating tax kesa mapunta sa mga taong may mas kailangan. Hindi naman nagkulang ng payo ang nakakarami na masama magpaputok. Pero hala, sige, putok lang nang putok ang mga hangal. Dapat sa mga 'yan hinahayaan kesehodang magmakaawa sila dahil malapit nang matanggal ang kanilang hinliliit, sabihin natin, Don't worry, may isa ka pa sa kabila, at may walo pang natitira. Choice mong magpaputok at isakripisyo ang hinliliit mo kapalit ng segundo ng isang nakakabulahaw na tunog at magandang ilaw. Patuloy pa rin ikaw maglalakad sa mundo dahil kumpleto pa naman ang mga daliri mo sa paa. Life goes on kahit my missing part. Hay, buhay! Sino ba kasi nakaimbento ng paputok? Paikilala niyo nga sakin! (Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako.)

Kasabay din ng putukan ay ang paghahanda ng tao sa New Year Resolution. Para itong isang damit na sinusuot at pag naluma ay ipamimigay o itatago na lang. Bakit ba kailangang may New Year Resolution? Pede namang wala, db? Kasi kung gusto mong maging isang mas mabuting tao hindi mo na aantayin ang bagong taon, gagawin mo na agad yun. Ang pagbabago o pag aadjust sa buhay, ay hindi ganon kadili. Maraming maaapektuhan. Magtataka. (mga tsismosa.) Hindi naman kasi kailangan ito, dahil sa susunod na taon may bago ka na namang New Year Resolution. Ibig sabihin sa ginawa mo nung isang taon hindi sapat ang New Year Resolution mo para maging mas mabuti kang tao. Taon taon kang mag-iisip kung ano ang magiging pamantayan mo sa buhay. Hindi mo ba naiisip na kaya hindi ka makuntento kasi pabago bago ka din taon taon?

Hindi mo naman kailangang magbago, para maging mabuting tao! Dahil kung ano ka, 'yun dapat ang ipakita mo dahil ang pagiging tototo sa sarili ang una mo dapat isagawa. Kung hindi ka totoo sa sarili mo, paano pa kaya sa ibang tao? Napagalaman ko na may mga tao sa mundo na dapat magbago pero hindi nagbabago at may mga taong hindi dapat magbago pero sila ang nagbabago. Napagalaman ko din na kahit sinasabi ko 'to, ay may new years resolution pa din ako. Napagalaman ko din na gingawa ko 'to ngayon habang nagtratrabaho, so maaari akong tawaging multi-tasking. (Wala siyang koneksyon, naisip ko lang.)
At nalaman ko, na hindi ko na naman alam kung ano ang ipapamagat ko dito.

Ikaw na lang ang mag-isip,
Kakain na ko ng lunch, nagugutom na ko.

_________

If you can't leave a comment here, Just click the link below. You can also join the group, by simply hitting the JOIN GROUP tab at the left side of the homepage, below the members box.


You can also check my first blog:

Curious, why is it "Walang Pamagat?" Click this.

No comments:

Post a Comment