"Life"
"Kumain ka na ng hapunan, anong oras na?" patuloy niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis, ginising ako ng mama ko habang nasa kalagitnaan ako ng aking panaginip. Naglaho sa isang iglap ang lahat. Nawalang parang bula ang lahat ng nasa panaginip ko. Sino ba yung taong iyon? Bakit iba ang naramdaman ko? Well, I don't believe in dreamland! Bumangon ako at kumain at natulog ulit.
Naging normal ang lahat sa University, ang ayoko lang sa lahat ay ang Group Dynamics. Bukod sa katabi ko sa upuan si Jhed, ayoko pa ang prof. 1st subject kaya nakakawalang gana talaga kung ang araw mo ay masisimulan ng ganito.
"Sophia Dominguez." sabi ni Ms. Mendoza."Where you will find the genuine happiness?"
Sino kaya ang napanaginipan ko?
"Sophia!" ulit niya. Kinalabit ako ni Jhed, kinuha niya ang atensyon ko. Lumilipad kasi ang isip ko.
"Pinag-rerecite ka ni mam," sabi niya.
"Yes, ma'am." sagot ko.
"What?!!!!!" sigaw niya, "Did you hear my question?"
Si Ms. Mendoza ang professor na hindi naguulit ng tanong. Wala akong masagot. Nilapit ni Jhed ng palihim ang kanyang upuan sa akin at bumulong...
"Saan mo daw makikita ang kasiyahan?"
"Mr. Serrano! Do you have something in your mind that you want to share?" sabi ni Ms. Mendoza.
Bago pa man, magisa si Jhed, at umisip ng sasabihin, sinagot ko agad ang kanyang tanong,
"Genuine happiness is right inside us. If we will learned to accept everything that is happening in this world, we will find it. We should stop asking "Why?" because life is a matter of acceptance."
Binalot ng katahimikan ang apat na sulok ng kwarto, nang biglang magsalita si Jhed,
"Can you accept a thing even if that would be the reason of your sorrow?" tanong ni Jhed, at tumingin ako sa kanya.
"How will you feel happy if acceptance will lead you to your boundary?" Patuloy niya at pagkapatos ay tumingin siya sa akin.
"Life is not a matter of acceptance, Sophie! Life sucks! If you accept everything in this world without asking why, then, you're digging your own grave of misery!" sabi niya.
Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig, pero nakita ko sa kanyang mga mata ang lalim ng galit niya sa buhay.
"Don't blame life if you can't accept what is happening to you right now! God gave this to us, and if you think that life is not working with you, well, you must think if you are driving your life on the right way. Life depends on its driver, so drive your life on the right track." sabi ko. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya at ganon din siya. Wala nang nagsalita pa. Binasag ni Ms. Mendoza ang katahimikan.
"Both of you have a point. There is no right answer on that question, because nobody in this world can dictate how will you be happy. Your happiness maybe the solitude of somebody. We have different perspective, there is no right way in driving your life, because once you choose a way, it only means one thing, the way you choose is your happiness."
Nanatili ang katahimikan sa loob ng kwarto. Umupo si Ms. Mendoza sa kanyang mesa. Nagpatuloy siya sa klase. Si Jhed ay walang reaksyon at nanatiling tahimik habang ako ay lumilipad ang isip. Anong meron si Jhed at bakit ganon ang pananaw niya sa buhay?
Hindi ko napigilan ang aking sarili kaya pagkatapos ng aming klase ay kinausap ko siya. Tinanong ko kung may problema ba siya? Humingi lang siya ng paumanhin sa akin sa nangyari kanina. Sabi niya, ayos lang siya walang problema, ganon lang talaga siya. Malalim mag-isip. At wala na pa siyang ibang sinabi.
Naging interesado ako sa kanya. Bihira lang kasi akong makakilala ng isang tao na kakaiba ang pananaw sa buhay. Madalas na rin kaming nagkakasama, at nalaman ko na TALAGANG MAKULIT LANG SIYA!

No comments:
Post a Comment