“Ang kuwento ni Alex Andra ay kuwento ng buhay mo. Pagkakaibigan, Pag-ibig, Pagkabigo at Pagtanggap. Im sure lahat tayo makaka-relate sa kwento, dahil si Alex Andra ay nagtatago sa pag-katao mo.”
Comment from:
"Wow! Your such a talent! Hehe loveeeet :) May katuloi ba? Bitin! Haha! Loved the twist. Parang Sidney Sheldon lang eh! Haha! You should make more. 'Di kana ata n22log. Hahaha but really, good job!ü kip it up!"
Comment from:
Deen Aeristh
Comment from:
Jay Ar Valena
Comment from:
Willie Mae Jackson
Ang Kuwento ni Alex Andra: Teaser
"Ang tanging bala ko lang e, alam ko sa sarili ko na totoo ang nararamdaman ko, ewan ko lang sila."-Alex
3rd Year College ako ng una kong nakita si Danica. Nagkaron kasi sila ng subject na tanging Professor lang sa aming kurso ang nagtuturo. Ang ganda-ganda niya. Sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Siguro 'yun ang sinasabing love.
Walang ibang nakaalam na gusto ko si Danica. Tinago ko 'yun dahil alam kong kakantiyawan ako ng mga kaklase ko. Tinanggap ko na sa sarili ko na hanggang tingin na lang ako sa kanya. May mga oras na para akong toro at siya ang pulang tela na gustong-gusto kong lapitan. Pero sa kabilang banda isa akong toro na mahina ang loob at takot. Takot sa magiging reaksyon niya at takot sa ibang torong nakapaligid sa kanya. Kung baga isa akong Torina (mahinang klase ng toro.) at sila ay mga Torikas (malakas na klase.) Ano nga ba ang laban ko sa Campus Crush, Presidente ng Student Council, Varsity at mga nasa Deans' List. Isa lamang akong simpleng estudyante, takot sa pulitikahan sa eskwelahan, walang sport at may alam pero hindi ganon kalalim. Ang tanging bala ko lang e, alam ko sa sarili ko na totoo ang nararamdaman ko, ewan ko lang sila.
Lumipas ang mga araw at lalong lumalim ang naramdaman ko sa kanya. Bago matulog iniisip ko siya at pagkagising siya na agad ang laman ng isip. Tumakbo ang mga araw at nanatili akong tameme sa kanya. Minsan nga naiisip ko na para akong isang bomba na anumang oras ay pwedeng sumabog. At 'yun ang ayokong mangyari. Sinubukan ko namang pigilan, pero iyon na ata ang pinakamasakit na ginawa ko sa aking sarili. Ang pigilan ang sarili kong maging masaya.
Kalagitnaan ng school semester nang ibalita sakin ng mama ko na darating ang aking kababata na galing states at dito na maniniharan. Natuwa ako dahil siya ang kalaro ko sa baril barilan, teks at jolens nung bata pa. Dumating ang araw na pinakahihintay ko, ang pagdating ng pinakamatalik kong kaibigan, si Dave. Para siyang si Logan Lerman ng Percy Jackson na para bang nung nagsabog ang kagwapuhan sa mundo siya ang nasa harapan at nakasalo ng nakakarami.
"Alex, Musta?" sabi niya.
"Eto, ayos lang naman, ikaw ba?" sagot ko.
"Ayos rin lang! Laki na ng pinagbago mo, hindi tulad dati na.. ."
Pinutol ko na ang mga sinasabi niya dahil ayoko ng marinig ang mga ito. Ayoko ng balikan ang kamusmusan.
"Dave, lahat ng tao ay nagbabago, pero ako pa din 'to, si Alex na kalaro mo dati."
At nauwi sa tawanan at kwentuhan ang lahat.
Nalaman ko na sa eskwelahan ko rin mag-aaral si Dave. At pareho kami ng kurso, naging magkaklase kami sa ilang subj. Naging popular siya sa iskul. Syempre, fresh from U.S. Kapag kasabay ko nga siya, nanliliit ako. Hindi ako sanay na pinagtitinginan ng mga babaeng estudyante sa school habang naglalakad, (pero alam ko sa sarili ko na hindi ako ang tinitignan, nadadamay lang ako sa appeal niya.)
Isang araw, hindi ko alam at kung anong meron at sobrang daming tao sa school cafeteria, kung baga sa fast food, peak hour, ung tipong may nakaabang na sa mesang may kumakain, akala ko nga Mang Inasal ang napasukan namin ni Dave. Nalaman nalang namin sa sabi-sabi na nasa tamang katinuan na naman ang mga guard sa school at ayaw magpalabas. Tamang trip! Nakaorder na kami pero wala padin kaming maupuan. Maya-maya. May tumawag kay Dave. Laking gulat ko at nanlaki ang mga mata ko na animo'y nakakita ng multo. Si Danica. Ngumiti si Dave at lumapit si Danica. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko, parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. Parang may mga hangin sa loob ng tiyan ko na nagpapaikot-ikot at gusto kumawala. Habang lumalapit si Danica, para naman akong nakatayo sa kumunoy at unti unting nilalamon nito.
Ito ang unang pagkakataon na nakita ko si Danica ng malapitan.
Ang ganda niya. Ang buhok niya ay animo'y pangcommercial, gayon din ang mga labi at ngipin na pang toothpaste. Parang tumigil ang mundo ko, nag-usap silang dalawa at hindi ko alam kung bakit parang hindi ko naririnig ang pinaguusapan nila. Maya-maya ay nakahanap din kami ng upuan. Umupo siya sa harapan ko at sa tabi niya si Dave. Magka-klase pala sila sa isang subject. Sa una, ok lang naman pero habang tumatagal parang iba na ang naramdaman ko. Ang makita ang mahal mo habang may kasamang iba ay parang pagtitig sa araw ng walang sunglass. Ang sakit sa mata. Pinakilala ako ni Dave kay Danica. At hindi ko inasahan na sa ganong paraan kami magkakakilala. Isang natural at normal na pagkakakilala ang nangyari. Isang puno ng siglang "Hi, Alex." at isang tango para sakin ang nangyari. Hindi ako makarelate sa pinag-uusapan nila. Hindi ko nga kilala si Dan Brown, Stephanie Meyer, Suzanne Collins, Becca Fitzpatrick at kung sinu-sino pang mga foreigner. Alam ko yung Twilight at dun ko lang nalaman na base pala sa libro 'yun. Dagdag kaalaman para sa'kin un. Tanging si Bob Ong lang ang kilala ko at walang tatalo sa kanya kahit ang mga foreigner pa na 'yan ang itapat. Maya-maya ay nagpaalam silang dalawa at dahil may homework na gagawin sa library. Hindi ko lang masabi na homework nga eh, dapat sa bahay ginagawa 'yun hindi sa library. Umalis sila at naiwan ako sa lamesa. Para akong isang bubble gum na matapos pagsawaan nguyain ay dinikit sa ilalim ng mesa. Ang sakit.
Ang araw na pinakahihintay ko na akala ko ay ang magiging pinakamasaya ay naging pinakamasaklap. Masama rin palang maghintay sa bagay na gusto mong mangyari. Dahil ang daming pagkakataon na dumaan na maaari ko siyang makilala pero pinalampas ko. Kung noon pa ko nagpakilala, edi sana hindi ganito ang naramdaman ko. Kung noon pa edi sana mas close na kmi ngayon bago dumating si Dave. Nasan ba kasi ang lakas ng loob ko noon? Nagpakain ako sa takot, at hindi lang basta kain kundi nilamon ako nito. Ang pinakamasakit sa mundong ito ay ang magkaron ng "regrets" na hindi mo kinuha ang pagkakataon na binigay sayo para makuha ang gusto mo. Pero hindi pa huli ang lahat. Hindi pa.
Lumipas ang mga araw, at ginawa kong normal ang lahat. Hindi ako nagpaapekto sa nangyari. Una, hindi tama. Pangalawa, wala sa lugar. Pangatlo, wala akong karapatan. Madalas na dinadala ni Dave sa bahay si Danica dahil sa 'min pansamantalang nakatira sila Dave, habang ginagawa ang kanilang bahay. Naging magkasundo kami ni Danica. Kapag busy si Dave sa varsity, ako ang sumasama sa kanya. Minsan nga, nasa library kami, sobrang tahimik at ayokong gumalaw, dahil alam ko na kapag gumalaw ako ng kahit isang sentimetro lahat sila ay magre-react. Pero tao lang ako.. .
"Prooooooottttt!"
Ang bumasag sa katahimikan.
Akala ko hangin lang at walang tunog pero mali. Mali ang aking akala. Ang lahat ng tao sa library ay naglabasan ang mga ulo mula sa mga librong tutok na tutok nilang binabasa. Maya-maya ay may nagbulungan, mahina lang naman, na sa isang iglap ay unti-unting lumakas. Sabayan pa nang isang umalingasaw na amoy. Patay! Magkakaalamanan na. Ang babae sa likod ko ay biglang tumayo.. .
"Ano ba 'yan?! Ang baho! Pede namang mag-excuse at lumabas. Tama bang sa likuran ko.. ."
Sabay kalembang ng librarian sa bell, at sigaw ng.. .
"Silence."
Maraming salamat sa librarian.
Naramdaman ko na ang kahihiyaan. At lahat ito ay malalaking letra. KAHIHIYAN!
"Excuse me, Miss?" sabi ni Danica sa babae sa aking likuran.
"Do you have some etiquette? Huwag mong ibintang sa iba ang bagay na ginawa mo! Mas nakakahiya yun!"
Kinalembang na naman ng librarian na medyo iritable na ang bell. At syempre hindi nawala ang pamatay niyang.. .
"Silence."
Maraming salamat ulit sa kanya.
Hinawakan ni Danica ang mga kamay ko at hinila niya ko palabas. Naiwan ang mga tao sa loob ng library na halo-halo ang expression. May nakangiti, nakasimangot, iritable at walang reaksyon. Halo-halo sila ng emosyon maliban sa 'kin. Alam ko sa mga oras na 'yon ay isa lang ang nararamdaman ko at sinasabi sa isipan.... . Sana hindi naimbento ang paglabas ng masamang hangin ng katawan.
Pagdating namin sa labas, hindi ko alam kung ano ang gagawin kong reaksyon. Hawak niya pa rin ang aking kamay, hiniling ko na sana ay huwag niyang bitawan, pero...
Isa,
dalawa,
tatlo.. .
hindi man lang umabot ng lima ang bilang ko ay binitawan niya na.
"Ahm, sorry.." ang sabi ko.
Humarap siya sakin na walang expression ang mukha at maya-maya ay biglang tumawa ng napakalakas. Wala akong nagawa at napatawa na rin ako sa nangyari. Nagpatuloy ang maganda naming samahan. Madalas nagkukulitan, at lagi ko siyang inaasar lalo na 'pag wala si Dave. Gustong-gusto ko siyang inaasar at 'pag napipikon ay gustong-gusto ko siyang inaamo. Naisip ko na malamang, siguro ay nandun pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Nakulong ako sa isang desisyon na kung ano ang aking dapat gawin? Dapat ko bang ipagtapat ang nararamdaman ko o hahayaan ko na lang itago? Ano ang sakit na kaya ko? Ang sakit na hindi sabihin na gusto ko siya o ang sakit na siya ay baka lumayo kapag sinabi kong gusto ko siya? Kaya ko bang isakripisyo ang relasyon namin bilang magkaibigan sa isang bagay na walang kasiguraduhan kung ano ang magiging resulta o hahayaan na lang na ganon at mag-antay sa pedeng mangyari? Pero, sawa na kong maghintay. At ayoko na ulit maghintay. Sabi nga nila, "There is a pain in not telling what you feel and there is a risk in showing it." Ang gulo. Ang gulo-gulo.
Habang patuloy sa pag-iisip ang naguguluhan kong isipan ay parang pinagsakluban naman ng langit at lupa ang naramdaman ko nang kumalat ang balita sa eskwelehan ang tungkol sa kanilang dalawa. Mahirap tanggapin pero wala akong ibang choice, hindi siya take it or leave it, kundi take it lang talaga. Kailangan tanggapin ko sa sarili ko na wala talagang pag-asa. Kailangan ng tuldukan. Pinilit kong tanggapin at dumaan ako sa proseso ng Moving On. Proseso na sinasabi ng isip at bibig mo na okay ka na. Tanggap mo na, pero sa tuwing makikita mo sila, may kirot ka pa ring nararamdaman.Hindi naman ako dapat dumaan sa proseso ng moving on dahil wala namang namagitan sa amin, pero alam ko na dapat ako mag-move on. At 'yon ang ginawa ko.
Ibinaling ko ang aking atensyon sa ibang bagay para makalimutan ang lahat. Natuto akong magbasketball, at sumali sa mga school progam. Natuto din akong mag-chess at sa tinagal-tagal ay tinawag na nila akong chess master. Nahasa ng husto ang utak ko. Habang libang na libang ako sa mga bagay na ito, unti-unti namang lumamig ang pakikitungo ko sa kanilang dalawa. May mga araw na yinayakag nila ako gumimik, tinatanggihan ko ito at sinasabing busy. Hindi nagtagal ay hindi na rin nila ako masyadong kinakausap. Siguro, naramdaman nilang medyo iniiwasan ko sila. At umabot pa sa punto na sa tuwing magkakasalubong kaming tatlo ay simpleng ngiti at tango na lang ang aming batian. Lumipat na rin si Dave ng tirahan, at umupa na lang sila ng condo. Sa naging sitwasyon, naisip ko na sino ang mali at bakit nagkaganito kami? Ako ang umiwas, pero hindi ko inasahang aabot sa ganito. Pero bakit sa aking pag-iwas ay hindi man lang nilang sinubukan ako ay tanungin kung ano ang problema. Sa isang iglap, nawala ang aking matalik na kaibigan at taong pinakamamahal.
Lumipas ang isang taon at naging ganon ang takbo ng relasyon naming tatlo. Ilang buwan nalang at graduation na. Napagtanto ko na, ako ang mali. Mali ang naging reaksyon at ikinilos. Higit sa lahat, mali din ang bagay na aking itinapon, itinapon ko ang pagiging matalik naming magkaibigan ni Dave, at ang paghangang naramdaman kay Danica. Nagpadala ako sa aking emosyon. Mali nga talagang gumawa ng desisyon na ang nararamdaman mo lamang ang nagigigng pamantayan. Kaya nga nilagay ng Diyos ang utak sa taas ng puso, para ipaalala na sa mga bagay na ganito, ay hayaan mo ang utak na pakinggan ang iyong puso at gabayan ka. Dahil ang puso ay ginawa para magmahal at hindi gumawa ng desisyon. Ang puso ay titibok sa kahit na kanino pero ang utak ang magdedesisyon kung ano ang tama at mali. Napagdesisyunan ko na ituwid ang lahat.
Dumating ang aming graduation, at natapos ang seremonya. Unti-unting naubos ang tao sa entablado, habang ako ay nag-aantay ng tyempo para kausapin sina Dave at Danica. Hindi ko naman alam kung paano at saan ako magsisimula, ang tanging naisip ko ay bahala na lang. Huminga ako ng malalim para gumaan ang aking nararamdaman at nakita ko si Danica, nag-iisa at parang may inaantay. Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon. Parang ang bigat ng aking pakiramdam, animoy may kadenang bakal sa aking paa at hirap na hirap akong lumapit sa kanya, at sa aking paglapit ay parang may isang pader na nakapagitan sa aming dalawa, nanatili siyang nakatalikod...
"Danica..." tinawag ko siya, ngunit hindi siya lumingon. Nanatili siyang nakatayo at malayo ang tingin. Inisip ko na kausap ko ang pader na namamagitan sa amin.
"...paano ka magpapaalam sa taong hindi mo kayang mawala sa'yo?"
Binalot ng katahimikan ang oras na 'yon. Oras para sa akin pero ang katotohanan ay segundo lamang ng katahimikan, at sumagot siya,
"Are you really ready to let go of someone even it will kills you?" Tanong niya.
"Hindi. Dahil alam kong pag-nawala siya ay hindi ko kakayanin." Ang sabi ko.
"Then, you don't have to say goodbye, Alex.." Humarap siya sa akin. Sa kanyang pagharap ay parang nagiba ang pader na namamagitan sa aming dalawa at ang lahat ng iyon ay bumagsak sa akin.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Naguluhan ako sa kanyang sagot, hinawakan niya ang aking kamay at dinala sa labas.
"Alex, do you know how the moon shines at night?" tanong niya, habang nakatingin sa buwan
Sumagot ako. "Kung wala ang araw, hindi siya liliwanag."

"Oo, ang buwan ay nanghihiram ng liwanag sa araw para lumiwanag siya tuwing gabi." Ang sabi niya.
"Pero ano kaya ang mangyayari kapag nagdesisyon ang buwan na huwag ng manghiram ng liwanag sa araw?" tanong niya.
Sumagot ako, "Hindi na siya makikita."
Ngumiti siya, tinignan ako, at tinanong.. "Are you ready to let go of your sun, even if it will end your existence?"
"No." Ang aking sagot.
Tinuro niya ang buwan at hinawakan ang isa kong kamay, " Alex, the moon shines at night eventhough the sun is million miles away from it. You don't have to say goodbye to your sun. Let the sun gives you light even you can't be with it."
Ang lamig ng gabi ay bumalot sa aking buong katawan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. Sinabi niya na hindi ako dapat mag-paalam at dapat manatili ang nararamdaman ko. Hayaan kong manatiling inspirasyon ang taong nagbibigay sakin ng dahilan para mabuhay kahit alam kong hindi magiging kami kahit ano ang mangyari. Katulad ng buwan at araw. Kahit gaano kalayo ang araw, ang araw ang nagiging dahilan kung bakit nakikita natin ang buwan sa gabi.

Muling tumingin sa akin si Danica,
"You don't have to say goodbye to me, I cannot blame you on what you feel, and it's my choice to understand."

Natameme ako. Ibig sabihin, alam pala ni Danica kung ano talaga ang aking nararamdaman.
"Alex, hindi kami bulag ni Dave. Matagal ka na naming gustong kausapin pero, naisip namin na hindi pa tama ang oras, dahil alam namin ang bigat ng iyong nararamdaman. Alam kong nasasaktan ka 'pag nakikita mo kaming magkasama, at masakit para sa 'min na makita ka na nasasaktan. Kaibigan mo kami, at hinayaan ka namin sa iyong desisyon dahil alam naming doon ka masaya."
Napangiti ako sa kanyang sinabi, may kirot akong naramdaman pero nawala din agad ng ngumiti si Danica sa akin at sinabing, "Darating din siya Alex. Huwag mong hintayin at lalong huwag mong hanapin. Hayaan mong siya ang humanap sa'yo." Niyakap niya ko, at sa kanyang pagyakap, ay isang yakap ng tunay na kaibigan ang aking naramdaman.
Nagkaayos din kami ni Dave. Sayang nga lang at lumipas ang ilang buwan ay napagdesisyunan nilang dalawa na pumunta ng states. Masaya ako para sa kanila. Kung dati-rati ay napakasakit sa aking mga mata ang makita sila, ngayon ay hindi. Ang makita ang taong mahal mo na masaya sa piling ng iba ay parang pagsusuot ng contactlens. Masakit sa una pero pagtagal, bumabalik sa normal ang lahat at masaya kang ipinapakita sa mga tao ang iyong mga mata.
Lumipas ang tatlong taon, at naging maayos ang aking buhay, nagkaron ako ng disenteng trabaho. Itinuon ko ang sarili ko sa pagpla-plano ng aking kinabukasan. Sila Dave at Danica naman ay masayang nanirahan sa States at ang balita ko ay malapit na silang ikasal. Madalas nga nila akong kantyawan sa tuwing tumatawag at nagkakausap sa net, sinasabihan nila ako na ibaling ko naman ang atensyon ko sa ibang bagay, para daw makumpleto ang lahat, ang tangi kong sagot ay darating din siya. Darating din siya. Darating din siya.
Laking gulat ko ng pag-uwi sa bahay, ay makita sina Dave at Danica. Isang sorpresa sa akin iyon. Dito daw sila magpapakasal sa Pinas. Napuno ang unang taon kong ito ng masasayang karanasan na kasama sila. Wala talagang papalit sa samahan ng isang tunay na magkakaibigan at bihira ka lang makakahanap ng ganito. Habang abala si Dave sa pag-aayos ng negosyong itatayo nila, si Danica naman ay abalang-abala sa pag-aayos ng kanilang kasal. Kanina lang ay tinawagan ako ni Danica at nagpapasama at makikipagkita daw siya sa kaibigan ni Dave na galing ding states. Dahil busy si Dave ay sinamahan ko siya. Mag-aalas dose na ng tanghali ng dumating kami sa meeting place. Wala pa ang kaibigan ni Dave. Umorder muna kami at kumain. Makalipas ang ilang minuto ay tumunog ang cellphone ni Danica. Tinawagan siya ng kanilang wedding planner at may kailangan daw i-check agad-agad. Hinayaan ko na siyang umalis, ayokong magkaroon ng aberya ang kanilang kasal. Kinuha niya ang kanyang cellphone, at may kinausap, at tanging naring ko lamang ay.. "Alex ang pangalan niya, hanapin mo na lang siya dito." Sinabi sakin ni Danica, na parating na daw ang kaibigan ni Dave at samahan ko na lang daw muna dito at babalik din siya. Wala akong nagawa.
12:13NN
Wala pa din dumarating.
12:33NN
Wala pa din. Ayoko sa lahat ang naghihintay. Hindi ko siya kilala at bakit ko nga ba siya hinihintay. Nilibang ko ang sarili sa pagkakalikot ng phone ko.
1255NN
Hay, nababagot na ko.
0100PM
Eksaktong ala-una...
"Excuse me? Are you Alex?" nang biglang may nagtanong sa akin. Natameme ako, nang makita ko siya ay parang lumipad ako. Hindi ko nanaman maipalawinag ang aking naramdaman.
"Ahm? Are you Alex?" muling tanong niya. Eto na ba? Muli na namang tumibok ang puso ko, pero hindi dapat, pero kakaiba talaga.
"I'm Dave's friend, are you Alex?" tanong niya. Nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Sa pagkakataong ito, alam ko na ito na ang simula... .
"No......" ang sagot ko.
"I'm not Alex...
I'm ALEXANDRA." ang sabi ko.
"I'm Julian." ang sabi niya.
At ang puso ko ay tumibok ng sobrang bilis.

No comments:
Post a Comment