Para sa mga taong walang-wala, sa mga taong walang kwenta, sa mga taong wala lang, sa mga taong na wala na,sa mga taong walang takot, walang magawa, walang utang na loob,walaaaaa! Sa madaling salita "Walang Pamagat" walang posisyon, walang trabaho, walang pera, walang K! hehehe wala lahat!Meron k ba? Aq wala hahahaha!

Monday, January 17, 2011

Hogmas Nge-Nge

Here are the comments of the first readers of HOGMAS NGE-NGE:
"wew..(pramis pag may nkabasa neto matatae yun bigla) because i did.. hahahahahahahah"


"haha na read q na britz,en i lyk it! hmmf xcuse me mag babawas lang aq ng kasalanan! haha"


"NICE :D,Lol ako e . hahaha ! Ganda :DD"




(BABALA: Bago basahin ito ay siguraduhing walang laman ang tiyan para hindi masuka. Siguraduhin ding wala kang kinakain o kinukotkot. Kung ayaw makinig sa babala ay ayos lang naman, basta ipangako mo na hindi ka magagalit sa akin. Huwag mong iisiping HINDI KITA BINALAAN!)


Nakain ka ng masarap na pizza, at may malamig na juice pa. At pagkatapos ay may ice cream ka pa na panghimagas. Sarap na sarap ka sa pagkain ng biglang sasabihin ng kasabay mo na NATATAE ako! Ano ang magiging reaksyon?

Malamang ganito:

"Ano ba naman! Nakain ako e, nakakawala ka ng gana!"


Tama ba?!!! Kung hindi? Sorry naman, 'yung iba kasi kadalasan ay ganyan ang reaksyon. Kung ayaw mong maniwala, humanap ka ng taong kumakain ngayon, tabihan mo siya at sabihin mong NATATAE ka! Kung ano man ang maging reaksyon niya, kung kakaiba sa normal, hindi ko na kasalanan 'yun. 

Naisip ko, ano ba ang mali sa salitang ito. "NATATAE o TAE." Lahat naman ng tao ay gumagawa nito, take note, hindi lang tao pati mga hayop, ewan ko lang kung pati ang mga nilalang sa ibang planeta ay nagbabawas din. Pero kung iisipin mo ang TAE ay galing sa TAO. Bakit naiinis at asiwang asiwa tayo kapag naririnig 'to. Teka nga, may nabasa ako sa isa sa mga akda ng IDOL ko na si BOB ONG tungkol dito at baka sakaling makatulong:

Who is in-charge?


All the organs of the body were having a meeting, trying to decide who was the one in charge.

"I should be in charge, "said the brain, "because I run all the body's systems, so without me nothing would happen".

I should be in charge" said the blood, "because I circulate oxygen all over, so without me you'd all waste away."

"I should be in charge, " said the stomach,"

because I process food and give all of you energy."

"I should be in charge" said the legs, "because I carry the body wherever it needs to go."

"I should be in charge" said the eyes, "because I allow the body to see where it goes."
"I should be in charge, "said the rectum,
"Because I'm responsible for waste removal."
All the other body parts laughed at the rectum and insulted him, so in a huff, he shut down tight.
Within a few days, the brain had a terrible
headache, the stomach was bloated, the legs got wobbly, the eyes got watery and the blood was toxic.


FISHBOOK - UOD
From "Bob Ong" Alamat ng Gubat Webpage





Siguro nga ay maselan lang tayong mga Pilipino. Iniisip natin na ang pagtae ay isang banal na ritwal na dapat sinisikreto at pinaghahandaan. Kung may ibang makakaalam na tumae ka ay tiyak na aalingasaw ang tsismis sa pagtae mo, (lalo na kung hindi ka sa bahay tumae, halimbawa sa opisina o 'di kaya ay sa public toilets.) Ang pagtae ay isang ritwal kung saan nilalabas ng ating katawan ang mga bagay na hindi kailangan nito. Isa lamang itong ordinaryong proseso ng pagbabawas. (At seryoso talaga ako sa pagpapaliwanag.) Iba kasi ang dating sa atin ng salitang ito, para ba siyang isang napakabahong salita at ayaw marinig ng nakakarami. "Ay!!! TAEEEEEEEEEEEE!!!!!!! May nalaglag na butiki!" Expression lamang. Paumanhin.


Ito ang ilang payo ko, para hindi ka makaasiwa ng ibang tao kung gagawin ang banal na ritwal ng pagbabawas:


1. Kung natatae ka, huwag ka na pahalata! Huwag mo na ishare ang nararamdaman mo. Edi wala kang problema. Mag-excuse ka lang na kunwari ay may ibang gagawin. (Proven and tested ang istilong ito, kaya hindi ka mapapahiya.)


2. Kung hindi mo talaga mapigilan at gusto mong ibahagi ang iyong ritwal, gumamit ng ibang salita, kung baga pang-halip. Pede mong sabihin, ""Guys, log in lang ako sa trono." Ayan, medyo magandang pakinggan. Pede din, "Guys, MAGBABAWAS LANG AKO NG KASALANAN." Ito ang patok sa takilya, dahil ang iisipin nila ay mabait ka at mangungumpisal.


3. Kung ayaw mo namang umalis at paghinalaang mag-riritwal ka, pigilan mo na lang, huwag ka lang masyadong magalaw sa kinauupuan mo, at huwag ka din masyado magsalita, kung tatawa ka ay huwag gaano, dahil binabalaan kita one wrong move at pagsisisihan mo ang lahat.


At bago ko makalimutan, may isang bagay pa na medyo may kahawig sa tae, ito ay ang utot. Kung ang pagtae ay paglalabas ng dumi ng katawan, ang utot naman ay sinyales na malapit na ang paglabas ng mga dumi. Para itong torotot, na tumutunog at nagbibigay sinyales na may darating na kailangang paghandaan. Ang utot ay parang pagtae din na kinahihiya ng nakakarami. Sabi nga ni Alex, (mula sa "Ang Kuwento ni Alex Andra), "Sana hindi naimbento ang paglabas ng masamang hangin ng katawan."
Matanong ko lang, naranasan mo na bang umutot sa harap ng maraming tao? Ano ang reaksyon nila? May nagsabi ba na "Normal lang 'yan, sige utot ka pa. Maya ako naman." Kung ano ang reaksyon nila, malamang alam niyo na 'yon. "Sino ang umutot? Ikaw no?" at syempre sasagot ang salarin ng, "Hindi no! Sino ba nakaamoy?", Sasagot ang nagtanong ng, "Ako!" at babanatan ng salarin ng "Edi, ikaw ang umutot, ikaw nakaamoy eh!"


Maraming klase ng utot at dapat alam natin ito:


(Isa na namang BABALA: Ang sumusunod na salita ay may maseselang bahagi na tanging ang mga bukas ang isipan lamang ang mga makakaunawa. Kung sarado ang iyong isipan ito na ang oras para buksan ito.)


1. Ordinary Fart - Normal na utot. May tunog at may amoy.


2. Ilong Ranger Fart- Walang tunog pero umaalingasaw.


3. Dream Fart - Walang tunog at walang amoy. Hangin lang talaga. Ito ang utot na dinadalangin ng lahat kapag nauutot sila.


4. Unstoppable Fart - Sunod-sunod na utot na may kombinasyon ng Ilong Ranger at Dream Fart. Pero kadalasan ang Dream Fart ang nangingibabaw.


5. Akala Fart - Ang utot na kinaaayawan ng lahat. Akala utot lang, 'yun pala ay may kasama ng iba. Log in na ang kasunod.


6. Combo Meal Fart - Kombinasyon ng  Unstoppble Fart (mga 3x or more na paulit-ulit) na magtatapos sa Akala Fart.


Ngayong alam mo na ang klase ng mga utot, maaari mo ng paghandaan ito. Kung nasa bus, opisina o saan ka pa mang lumalop ng daigdig. Paalala ko lang, hindi mo dapat ikahiya ito, dahil lahat naman tayo ay dumadanas nito. Tandaan mo lang, na ang ibang tao ay maselan, pakiramdaman ang mga tao sa paligid mo, hwag kang banat ng banat sa pag-utot at magsabi ng basta basta na natatae ka. Sabi nga nila, normal lang ito pero dapat din tayong magbigay daan sa opinyon ng ibang tao. Kung para sa kanila ang mga bagay na ito ay hindi dapat isapubliko igalang natin at manahimik na lang. RESPETO ang tawag doon. At sa mga taong ayos lang.......................... Sige, utot na!


(PAALALA: Maaari ka ng bumalik sa iyong ginagawa, kung kumakain ka kanina at sinunod mo ang aking babala. Sige kumain ka na ulit. Enjoy your meal.)


Tsk! Tsk! Tsk!


(Trivia:)


Hogmas Nge-Nge: Dalawang gaylingo na pinagsama. "Hogmas" na nangangahulugang "Mabaho" at "Nge-nge" na tumutukoy sa bibig, bunganga at pananalita. Pede ding itawag sa mga bad breathe. 


Naalala ko yung kaklase ko nung College, Nge-nge ang bansag sa kanya, kung bakit Nge-nge? 'yon ang hindi ko alam, naki "Nge-Nge" na rin ako ng tawag sa kanya, at bukal naman na tinaggap niya 'yon sa kanyang kalooban. Ang balita ko ay nagtuturo na sa isang eskwelahan si "Nge-nge." Kung mababasa niya naman ito, nais ko lang sabihin na hindi tungkol sa iyo ang artikulong ito. Nagkataon lang na Nge-nge ang naisip ko para may kakaiba akong pamagat. 


_________________


I started loving writing short stories after you gave a nice feedback on my short story "Ang Kuwento ni Alex Andra." I have a new story to share and expect the unexpected again, :)


Enjoy the teaser.

****

Hey guys, pls post the url address of the blog page to your FB wall so that we can have more visitors, and help me reach my blogpage as the #1 blog page in the Philippines. Taas ko naman mangarap. hahahahha!!!!
THANK YOU!
;)

2 comments:

  1. naaalala ko ngung bata ata ako eh natae ako sa skul..:)

    ReplyDelete
  2. ...hahaha! d aku nhihiya pag ntatae aku.. cnsbi ku un khit kninu! e un nrramdaman ku e.. kiber n lng!
    s utot aku nhiya bgla!... pero d nmn aku pla utot...tae lng aku ng tae.. hyahhah

    nice one!love it...

    ReplyDelete